JAZZ TIKLOP SA WARRIORS

TUMUGON si Klay Thompson sa pagkawala sa starting lineup sa pagkamada ng season-high 35 points at nalusutan ng Golden State Warriors ang late rally upang maitakas ang 140-137 panalo laban sa Utah Jazz noong Huwebes ng gabi sa Salt Lake City.

Si Thompson ay nagsilbing backup matapos ang 727 sunod na pagiging regular-season starts, mula pa noong March 2012 noong siya ay isang rookie. Umiskor siya ng 10 points sa key stretch ng first quarter, bumuslo ng 13 of 22 mula sa floor at nagsalpak ng pitong  3-pointers upang bigyan ng panalo ang Warriors bago ang All-Star break

Ang Warriors ay may dalawang key milestones sa panalo. ang kanilang ika-6 sa pitong laro. Nakopo ni  Steve Kerr ang kanyang 500th victory bilang head coach at si  Thompson ay naging ika-6 na  player sa kasaysayan ng Warriors na nakalagpas sa 15,000 points.

Umiskor si Draymond Green ng season-high 23 at nagdagdag si Andrew Wiggins ng 19 points para sa Warriors na bumawi matapos na masayang ang 15-point lead sa pagkatalo sa  Los Angeles Clippers noong Miyerkoles ng gabi.

Nanguna si Collin Sexton para sa Utah na may 35 points at 9 assists habang nag-ambag si rookie Keyonte George ng season-high 33 points na may 6  assists sa pagkatalo. Nakalikom si Lauri Markkanen ng  20 points at 14 rebounds, at nag-ambag si John Collins ng  18 points at 13 boards.

Grizzlies 113, Bucks 110

Nagbuhos sina Ziaire Williams at rookie GG Jackson ng tig- 27 points at nalusutan ng short-handed Memphis Grizzlies ang late rally ng bisitang  Milwaukee Bucks para kunin ang panalo.

Naitakas ng Memphis ang panalo matapos magmintis si Damian Lillard sa 3-point attempt sa buzzer. Nagwagi ang Grizzlies ng dalawang sunod matapos ang  nine-game skid.

Nagtala si Williams ng career high sa kanyang point total, habang napantayan ni Jackson ang kanyang career high.

Gumawa si Vince Williams Jr. ng 18 points para sa Memphis, habang nagdagdag si Lamar Stevens ng 13, tumipa si Jordan Goodwin ng 11 at nag-ambag si Trey Jemison ng  10.

Sampung players ng Memphis ang hindi   naglaro dahil sa injuries, kabilang sina i

Jaren Jackson Jr. (right quadriceps soreness), Derrick Rose (right ankle soreness), Scotty Pippen Jr. (lower back soreness), Luke Kennard (left knee soreness), Desmond Bane (sprained left ankle) at Ja Morant (right shoulder surgery).

Samantala, magiging bahagi na si journeyman forward Danilo Gallinari ng Milwaukee Bucks sa kabuuan ng  season, ayon sa ESPN at The Athletic.

Ang Bucks ay magiging ika-8 career team ni Gallinari at ang kanyang ikatlo ngayong  season. Naglaro siya ng 26 games sa Washington Wizards at anim sa Detroit Pistons, dalawang nangungulelat sa Eastern Conference. Pinakawalan ng Pistons si Gallinari matapos ang  trade deadline noong nakaraang linggo.

Sa Milwaukee, na nasa third place sa East, ay muling makakasama ni Gallinari ang isa sa kanyang mga dating coach, si Doc Rivers.

Iniulat ng Athletic na kinonsidera rin ni  Gallinari ang Chicago Bulls, Cleveland Cavaliers at Los Angeles Clippers, kung saan siya naglaro para kay Rivers mula 2017 hanggang 2019.

Si Gallinari ay may average na 7.3 points at 2.8 rebounds sa 14.8 minutes per game sa kanyang 32 appearances ngayong season. May average siya na 15.2 points at  4.7 rebounds per game sa kanyang 760-game career sa New York Knicks (2008-11), Denver Nuggets (2011-17), Clippers (2017-19)), Oklahoma City Thunder (2019-20), Atlanta Hawks (2020-22), Wizards at Pistons.