JCB, ROBINSONS BANK NAG-PARTNER

Robinsons Bank photo

BUMUO ang Robinsons Bank Corporation (Robin­sons Bank), isang mabilis na lumalagong bangko sa i­lalim ng JG Summit Holdings, Inc., isa sa pinakamalaking conglomerates sa Filipinas, at ang JCB International Co., Ltd. (JCBI),  ang international operations subsidiary ng JCB Co., Ltd., ng bagong partnership para sa  JCB merchant acquiring at card issuing business.

Ang partnership ay magpapahintulot sa pagtanggap ng JCB cards sa mga  merchant na guma­gamit ng Robinsons Bank pay-ment terminals at payment gateway sa kanilang lugar ng negosyo.

Ang Robinsons Bank ay nakapokus sa paghahatid ng mataas na kalidad ng payment solutions, hindi lamang para sa JG Summit conglomerate kundi maging sa iba pang service providers sa bansa.  Ikinatutuwa ng bangko ang pagkakaroon nito ng presensiya sa evolving payment industry, kasama ang partnerships sa mas maraming establisimiyento upang mapalawak ang coverage nito. Ang strategic move na ito ay sumusuporta sa ini­syatibo ng Robinsons Bank tungo sa customer centricity.

Ang partnership sa pagitan ng Robinsons Bank at ng JCB ay magbibigay ng benepisyo sa lahat ng JCB card members sa Filipi-nas at sa ibang bansa. Ang JCB ay isang global brand na naka-base sa Japan na may kabuuang 120 million card members sa buong mundo. Magagamit ng JCB card members ang kanilang JCB cards sa lahat ng  establisimiyento na gumagamit ng Ro­binsons Bank bilang kanilang payment service provider.

Ngayong 2019, ang JCB card members ay makapagta-transact din sa iba pang retail outlets tulad ng Cebu Pacific, isa sa pin-akamalaking airline companies sa Filipinas.

Ayon kay Kimihisa Ima­da, President and CEO ng JCBI, “The Philippines continues to be one of the most important markets for JCB’s global business expansion and we are excited to welcome our new partner to the JCB network. I am sure that this part-nership with Robinsons Bank will bring more benefits and convenience to all JCB cardmembers. We are also loo­king forward to explo­ring further business opportunities such as Robinsons Bank – JCB Card issuance soon.”

“We are very pleased to kick off 2019 by ha­ving JCB on board. With the relative advancements of elec-tronic payment, Robinsons Bank is geared up to offer flexi­ble payment solutions to comp­lement JCB’s product offe­rings. We are confident that this alliance will benefit customers in the Philippines and overseas, as we offer more avenues of efficient and competitive financial services to provide the best experience,” wika ni Elfren Antonio S. Sarte, President and CEO ng Robinsons Bank.

Comments are closed.