GRABE ang hirap na pinagdaanan ng magaling at award-winning actress na si Jean Garcia sa pelikulang “Watch Me Kill” na kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin ngayong Setyembre.
Kinarir talaga niya ang mga buwis-buhay na eksena sa nasabing pelikula na idinirehe ni Tyrone Acierto.
“Dati kasi, I’ve done action movies in the past but my role usually is the wife of the action star. I was never the one doing the stunts,” aniya.
Hindi rin niya ikinaila na noong mabasa niya ang iskrip ng pelikula ay kinabahan siya dahil may alinlangan siya kung makakapag-deliver siya.
“Nalinya kasi ako sa drama. It was really a challenge for me to do action,” paliwanag niya.
Bilang paghahanda sa kanyang role bilang assassin, nag-immerse raw siya sa kanyang karakter at sumailalim sa intensive training sa combat at ammunition.
“Ako kasi ‘yung tao na takot ako sa mga baril. Takot akong masugatan. Takot pero [during the shoot], nag-enjoy naman. All in all, we had two weeks of training. One week of that is for the fight scenes lang and paano bumaril,” pagbabahagi niya.
Nagkaroon din siya ng mga galos habang ginagawa ang mga mahihirap na eksena sa nasabing obra ni Acierto.
“Na-realize ko, ang hirap talaga palang gumawa ng action film. Kailangang bukod sa buo ang loob mo ay handa ang katawan mo,”pahayag niya.
Si Jean Garcia ay nagwagi bilang Gawad Urian best supporting actress sa kanyang pagganap sa Cinemalaya movie na “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”.
Nakilala rin siya sa pagganap ng mga iconic kontrabida roles bilang Miss Minchin sa 1995 remake ng Sarah ang Munting Prinsesa at bilang Madam Claudia Buenavista sa Pangako sa Iyo noong 2000.
Kamakailan lang ay muli siyang nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 at nakatakdang gumawa ng teleserye kasama si Alden Richards.
May special participation din siya sa Kapuso TV series na “Sahaya”.
Sa Watch Me Kill, kasama niya sa cast sina Junyka Santarin, Jay Manalo, Althea Vega at Bodgie Pascua.
EAGLE RIGGS NAGPAPAGALING SA ISANG PROVINCIAL HOSPITAL
PAGKATAPOS mabangga ng isang motorsiklo, nagpapagaling ngayon ang komedyanteng si Eagle sa isang provincial hospital sa Palawan.
Ayon sa isang balita, nabundol ang actor ng rumaragasang motor habang tumatawid ng kalsada sa Barangay Bancao-Bancao sa nasabing lugar.
Sumailalim sa operasyon ang kanyang binti pagkatapos ng nabanggit na sakuna.
Marami namang kaibigan ni Eagle ang nagpahayag ng concern sa kalagayan ng TV host na nasa Puerto Princesa noon para sa isang out-of-town show.
Comments are closed.