JEAN GARCIA NAKIKIPAGKUMPETENSIYA PA RIN KAY EULA

JEAN GARCIA

BUHAY pa rin ang rivalry between Claudia Buenavista at Amor Powers, mga iconic character nathe point ginampanan nina Jean Garcia at Eula Valdes sa defunct teleseryeng “Pa­ngako sa Iyo”.

Pagkatapos manalo ni Jean ng Gawad Urian for best supporting actress noong 2012 para sa “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”, hindi naman nagpahuli si Eula dahil siya naman ang tinanghal na best actress sa kaparehong award-giving body noong 2014 para sa obrang “Dagitab”.

eula valdezNag-aksyon si Eula last year nang gampanan niya ang papel ng isang hitwoman sa pelikulang “Neomanila” ni Mikhail Red.

Ngayon naman si Jean ang susubukang humawak ng baril at gumawa ng action sequences sa pelikulang “Watch Me Kill” ni Tyrone Acierto kung saan siya ang bida.

Si Jean ay nasa cast ng upcoming Kapuso te­leseryeng “Ika-5 na Utos” kung saan makakasama niya sina Gelli de Belen, Valerie Concepcion, Jake Vargas, Inah de Belen, Tonton Gutierrez, Antonio Aquitania, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Migo Adecer at Neil Ryan Sese. Ito ay sa direksyon ng beterana at award-winning director na si Laurice Guillen.

VETERAN ACTRESS PERLA BAUTISTA MULING NARANASANG MAGBIDA

perla bautistaNAGPAPASALAMAT ang veteran at award-winning actress na si Perla Bautista dahil sa indie filmfests tulad ng Cinemalaya ay nabibigyan ng pagkakataon ang tulad niyang magbida.

Aminado ang aktres na na-miss niya ang pagbibida.

“Sa atin kasi, pabata nang pabata ang bida. Happy naman ako sa support pero iba rin ang fulfillment na at this age, may mga dumarating pang mga lead roles, kaya naman I’m very grateful for this blessing,” say niya.

Deklara pa niya, nakaka-relate daw siya sa kanyang role bilang Teresa, isang babaeng nasa dapithapon na ng kanyang buhay.

“Tungkol siya sa journey ng isang matandang babae at kung paano niya pinalaya ang kanyang sarili sa nakaraan at ang positibong mensahe ng pag-ibig at pagpapatawad,” pagbabahagi niya.

Kabituin niya sa “Kung Paano Hinihintay ang Da­pithapon” ang beteranong aktor na si Dante Rivero.

Ayon pa kay Perla, ayaw niyang mag-expect na mananalo ng award para sa nasabing Cinemalaya movie ni Carlo Encisu Catu (Ari: My Life with the King).

“Basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho. Kung mapansin, salamat. Kung hindi naman, ang pinaka-reward ko na ay iyong naibigay ko nang husto ang dedikasyon ko sa trabaho ko,” esplika niya.

Tungkol naman sa mga kapwa niya beteranang aktres tulad nina Odette Khan at Dexter Doria na mga late bloomers o kung kailan nagka-edad ay saka nakakuha ng best actress awards, sob­rang happy si Perla.

“Lahat naman, nangyayari in God’s perfect time. Kailangan lang nating maghintay,” pagwawakas niya.

Matatandaang parehong first time best actress winners sina Odette at Dexter, ang una sa Famas, Urian at Star Awards para sa “Barboys” samantalang ang huli ang tinanghal na best actress sa “Paki” sa 2017 Cinemaone Originals.

Si Perla ay isang multi-award winning actress na favorite leading lady nina Erap at FPJ noong ‘60s.

Huli siyang tinanghal na best actress sa 9th Gawad Tanglaw para sa pelikulang “Presa” noong 2011.

Noong 1989, nanalo rin siyang best supporting actress sa Gawad Urian para sa pelikulang “Anak ng Cabron”.

Noong 1980 at 1981, magkasunod na taon siyang nagwagi bilang best supporting actress sa Famas sa mga pelikulang “Ang Alamat ni Julian Makabayan” at “Nang Bumuka ang Sampaguita”.

Comments are closed.