RIZAL- LABING-ANIM katao ang nasugatan kabilang na ang apat na menor de edad nang sumalpok ang sinasakyang pampasaherong jeep sa malaking puno kamakalawa ng gabi sa Angono sa lalawigang ito.
sa pulisya, galing ng Taytay at patungong Binangonan ang jeep nang mangyari ang insidente.
Sa salaysay ng 29-anyos na driver ng jeep sa pulisya, mayroon umano siyang nakagitgitan nang biglang may tumama sa gilid ng kanyang sasakyan kaya napakabig umano siya at hindi na niya nakontrol ang manibela kung kaya’t bumangga ito sa isang puno.
Wala namang naiulat na nasawi o nagtamo ng malubhang pinsala maliban sa isang 15 anyos na nasugatan at isang nawalan ng malay.
Posibleng sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang naturang driver. EVELYN GARCIA