CAVITE- TATLO ang kumpirmadong namatay kabilang ang isang aktibong miyembro ng Phil Marine makaraang araruhin ng isang Jeep na nag-overtake na puno ng sakay mula ng family outing sa isang beach sa bayan ng Ternate, kamakalawa sa Brgy Sapang 1,Ternate sa lalawigang ito.
Dead on the spot ang dalawa sa mga biktima na kinilalang sina alyas Jun, 38- anyos , active member ng Phil Marine at assigned sa Force Reconnaissance, Marime Base Gregorio Lim, sakay ng kaniyang Suzuki Smash, kulay itim at may temporary plate number na 01-0482541 at ang backride ng isa pang motor na kinilala sa alyas na Teng, 40-anyos, residente ng Brgy Sapang 1 ng nasabing bayan habang namatay din habang ginagamot ang isa pang rider na si alyas Gabriel, 54-anyos , golf crew, residente ng Brgy Pinagsanjan B Maragondon Cavite.
Hindi naman bababa sa 15 ang sugatan at kasalukuyan inoobserbahan ngayon sa pagamutan na mga sakay ng jeep galing ng outing kabilang ang driver na kinilala sa alyas na Justin, 57-anyos, residente ng Brgy Hugo Perez,Trece Martirez City, Cavite .
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-6:45 ng gabi nang maganap ang insidente, magkasunod na bumabaybay ang dalawang motor ng 3 biktima sa nasabing lugar patungo sa direksyon ng Puerto Azul ng araruhin ito ng jeep na patungo naman ng Manila direksyon na may plate number DXY – 982.
Nabatid na galing sa outing ang sakay ng nasabing jeep kung saan may mga sakay din itong mga bata at pauwi na sana nang mag-overtake ito sa nasa unahang kotse at biglang nawalan umano ng preno at kontrol at dire- diretsong tumaob at naararo ang 2 motor na kasalubong nito.
Dahil sa mabilis na takbo ng jeep, nawalan ito ng kontrol at dire-diretsong tumaob.
Dead on the spot ang dalawang biktima habang namatay sa pagamutan ang isa pa at patuloy naman ang obserbasyon sa mga sakay ng jeep gayundin ang suspek na driver. SID SAMANIEGO