LAGUNA – TATLONG araw na lamang bago sumapit ang pasko ng hindi inaasahang maganap ang trahedya na ikinasawi ng tatlong biyahero at malubhang ikinasugat ng isa pa sa bahagi ng National Hi-way, Brgy. Real, Calamba, City nitong Martes ng madaling araw.
Ayon sa ulat, aksidenteng bumangga ang sinasakyan jeep ng mga biktima sa poste ng Meralco habang kargado ito ng maraming itlog mula sa Batangas.
Sa imbestigasyon, binabagtas ng nasabing sasakyan ang kahabaan ng National Highway para mag-deliver ang mga ito ng itlog sa palengke nang aksidenteng mawalan umano ito ng kontrol ang manibela na mabilis na pumaling sa kabilang linya ng kalsada bago tuluyang sumalpok sa poste.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, nawasak ang harapan ng jeep, nagkalasog lasog pa ang katawan ng tatlong biktima na agad nilang ikinasawi habang isa sa mga ito ay agad na isugod sa pagamutan ng nagrespondeng miyembro ng BFP, Calamba Public Order and Safety Office (POSO) at ng Local Disaster Risk Reduction Management Office LDRRMO.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong nasawi at isa na malubhang nasugatan.
Samantala, pahirapan pang naalis ng mga awtoridad sa lugar ang jeep dahil sa matinding pagkakaipit ng mga biktima at matabunan pa ng mga nabasag na itlog at naputulan pa ng braso at binti ang isa sa mga nasawi. DICK GARAY
Comments are closed.