JEEPNEY BUMALIKTAD: 17 DEBOTO SUGATAN

ROAD ACCIDENT-2

ZAMBOANGA CITY – UMAABOT sa 17 katao kabilang ang dalawang bata na sinasabing lumahok sa penitensya ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong jeepney sa bulubundukin ng Barangay Pa­sonanca, noong Biyernes Santo ng gabi.

Base sa police report na naisumite kay P/Captain Shellamae Chang, naganap ang sakuna pasado alas-10 ng gabi kung saan nagmula ang mga biktima sa idinaos na 14 cross stations.

Nabatid sa 47-anyos na drayber na si Edgar Gomez Estioca, pababa ng kanyang minamanehong jeepney mula sa Abong-Abong Park sa Barangay Pasonanca nang magkaaberya ang makina kaya nawalan na ito ng kontrol sa manibela bago bumaliktad.

Naisugod naman ang mga biktima sa Zamboanga City Medical Center kung saan sinasabing libo-libong deboto ang lumahok sa penitensya sa Abong-Abong Park.

Sinasabing nakasalubong ng mga biktimang pagod sa paglalakad kaya nagsitakbuhan na sumakay kaya na-overloaded ang sasakyan na nauwi sa sakuna. MHAR BASCO

Comments are closed.