JEEPNEY DRIVER NA IISA ANG KAMAY NAHULI SA QC

Jeepney driver

QUEZON CITY – ISANG driver na putol ang kamay ang nahuli ng traffic enforcer ng Quezon City sa bahagi ng Elliptical Road.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, chief ng QC-Task Force for Transport and Traffic Management, nasorpresa sila nang mahuli at makitang putol ang kaliwang kamay hanggang braso ng driver na si Solito Magpusay, ng Tandang Sora, Quezon City sa gitna ng kanilang operasyon nang rush hours ng umaga.

Aniya, pinara ng isa sa mga enforcer nila ang jeep ni Magpusay sa Elliptical Road sa harap ng Department of Agriculture dahil sa hinalang colorum ang minamaneho nito.

Nabigla na lamang sila nang matuklasang putol hanggang braso ang kaliwang bahagi ni Magpusay at nagmamaneho gamit ang kanang bahagi lamang.

Nakatakda namang idulog ni Inton sa information sa Land Transportation Office (LTO) kung paano nagkaroon ng professional driver’s license si Magpusay at paano niya ito na inire-renew kada taon sa agency. BENEDICT  ABAYGAR, JR.