JEEPNEY MODERNIZATION AARANGKADA NA SA REGION 2

CAGAYAN – INAASAHANG bago matapos ang buwan ng Hulyo ay mauumpisahan na ang mo­dernized jeep sa buong Region 2.

Makaraang maumpisahan na sa Metro Manila ay nag-iikot na ang mga bagong medernong jeep sa lungsod ng Pasay, pangunahin na sa Mall of Asia at sa PICC.

Ayon kay Regional Director Nashrudin Talipasan ng LTFRB Region 2, na ang kauna-unahang pagpapatupad ng modernized jeep Pasay City ay sinaksihan ni Department of Transportation Undersecretary Tim Orbos, ang chairman ng LTFRB at mga regional directors kasabay ng ika-31 anibersaryo ng LTFRB.

Sa Region 2, aniya,  ay 50 units ng makabagong jeep ang patatakbuhin.

Binigyan ng LTFRB ng karapatan na maglakbay ang tatlong unit ng bagong modernong jeep sa mga wala pang umiiral na ruta ngunit marami ang ­pangangailangan sa mga pampublikong sasakyan.

Tatlo ang ibinigay ng board ng LTFRB sa Region 2 batay sa kahilingan ng publiko sa pamamagitan ng mga transport ­cooperative.

Kabilang dito ang mining areas sa Didipidio, Kasibu, Nueva Vizcaya papuntang Santiago City at Sidipio papuntang bayan ng Solano at Solano patungong Santiago City.

Habang mayroong ding biyaheng Santiago City patungong Minuri, Jones, Isabela na walang nagseserbisyong sasak­yan matapos itinigil ng mga bus ang pagbiyahe sa mga nabanggit na lugar.

Nakapag-order na ­aniya ang mga koopera­tiba at grupo ng mga transport operators sa mga kompanyang bibilhan ng sasakyan, ng may 50 unit ng modernong jeep na siyang may karapatang maglakbay sa mga nasabing area.    IRENE GONZALES

 

Comments are closed.