JEEPNEYS BALIK PASADA TARGET NG LTFRB SA HUNYO 30

PINAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng muling pagbiyahe ng mga pampublikong jeep sa katapusan ng Hunyo.

Sa pagdinig ng  House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra  na natukoy na ng transport authorities ang 100 hanggang 104 rationalized jeepney routes na bubuksan sa sandaling alisin ang quarantines dulot ng COVID-19.

“We’re looking at on or before the end of the month,” wika ni Delgra.

Ang lahat ng uri ng pampublikong transpor­tasyon ay sinuspinde nang isailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine noong Marso upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Pinalawig naman ang general community quarantine na nagsimula noong Hunyo 1 sa Metro Manila at iba pang  urban centers hanggang Hunyo 30.

Pinapayagan ang mga piling public transport, kabilang ang P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles sa li­mited capacity sa ilalim ng  GCQ.

Nauna nang dumaing ang transport groups na marami na sa hanay ng jeepney at bus drivers sa buong bansa ang nagugutom dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Comments are closed.