JEEPNEYS HINDI PA PUWEDE MAMASADA 

BUS-JEEPNEY

KAHIT sa mga lugar na nasa  general community quarantine ay hindi pa rin papayagan ang mga jeepney na mamasada sa kalsada.

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi kasama ang mga jeep sa mga public transportation na papayagan nang bumiyahe sa GCQ.

“‘Yung jeepney, hindi pa ‘yan pinapayagan,” pahayag pa ng DILG secretary.

Ayon naman kay Pesidential Spokesperson Harry Roque, ang mga papayagan na public transportation na muling papasada sa mga kalsada ay ang mga kayang magpatupad ng isang metrong distansya sa kanilang mga pasahero.

“Mabubuksan na po ang lahat ng riles, kalye, pantalan, at airports sa mga areas ng GCQ po, GCQ lang. Provided that in all public transports, a strict one-meter distance between passengers shall be observed and appropriate engineering controls in place,” pahayag  ni Roque.

Nakatakdang maglabas ang Department of Transportation ng guidelines sa limitadong pagbibiya ng iba pang PUV.