After ng miscarriage ni Jenny Miller noong 2010, nagkaroon naman daw ng problema sa pagsasama nila ng kanyang mister hanggang sa maghiwalay sila noong 2015. This time around, handa na raw si Jenny na subuking magdalang-tao sa pamamagitan ng IVF. “Pinag-aralan ko rin ng mabuti ang lahat. Mahabang proseso ito and I am just thankful sa support na binigay ng family and friends ko. Ang I think ang pinakaimportante ay tanggap ko itong gagawin ko.
Pinagdasal ko ito and I am ready for it.”
Handa na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.
Magpo-forty-three na si Jenny sa February 5 at naisip na raw niyang magkaroon ng baby dahil halos lahat daw ng mga kaibigan niya ay may mga anak na.
“I decided to go through IVF (In Vitro Fertlization). Magpapa-harvest na ako ng eggs. I pray na sana may makuha pa sila sa edad ko ngayon. I plan to go through that procedure after my birthday. Bale birthday gift ko iyon para sa sarili ko,” sey ni Jenny.
Bago raw nagdesisyon si Jenny, marami raw siyang kinunsulta, kasama na rito ay kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Lahat daw sila ay nagpakita ng suporta sa gagawin niyang ito.
“Pinag-aralan ko rin ng mabuti ang lahat. Mahabang proseso ito and I am just thankful sa support na binigay ng family and friends ko. Ang I think ang pinakaimportante ay tanggap ko itong gagawin ko. Pinagdasal ko ito and I am ready for it.”
Hindi nabiyayaan ng anak si Jenny noong nagsasama pa sila ng kanyang estranged husband na si Cupid Feril. Taong 2010 noong ma-experience ng aktres na magkaroon ng miscarriage.
“Sinabi na sa akin ng doktor ko na delikado ang pregnancy ko. Kailangan bed rest lang ako at hindi ako masyadong kumikilos. Pero it still happened. Noong maka-recover ako from that, sinubukan pa rin namin na makabuo, pero walang nangyayari. Ipinasa-Diyos ko na lang ang lahat kung kelan Niya kami bibiyaan ng baby.”
After ng miscarriage, nagkaroon naman daw ng problema sa pagsasama nila ng kanyang mister hanggang sa maghiwalay sila noong 2015.
“Something happened sa marriage namin. Maraming nangyaring hindi maganda and it really took a toll on both of us mentally.
“It was a hard decision for both of us to let go of the marriage. We tried to make it work. God knows how hard I tried to save our marriage. Umabot pa sa point na inisip ko na baka ako ang naging problema kung bakit hindi nag-work ang pagsasama namin.
“Yes, may mga hindi kami napagkakasunduan which is normal sa mag-asawa. Yes, nagagawa kong mag-nag paminsan-minsan because he wasn’t honest with me sa maraming bagay. Tumahimik na nga lang ako at pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.
“I was nothing but a good and supportive wife sa kanya kahit na mali na ‘yung mga ginagawa niya sa pagsasama namin. Dumating na lang talaga ‘yung pagkakataon na sinabi ko na ayoko na. Pagod na ako. We have to part ways or else ako ang magkaka-nervous breakdown.
“Sa totoo lang, mas nakabuti pa yung naghiwalay kami. Hindi ko na iisa-isahin ang mga ginawa niya. Masasabi ko lang ay nagpakamartir ako sa pagsasama namin. Pero nakakapagod din pala maging martir. Gusto ko na lang mag-move on na kaming dalawa.
Hindi pa raw officially annulled si Jenny kaya gamit pa rin niya ang married name niya na Feril. Pinagdarasal niya na this year matupad ang wish niyang maging single na ulit.
“Na-annull na ‘yung church wedding namin. ‘Yung civil wedding na lang ang hinihintay kong ma-annul.
“Ako lahat nag-aasikaso. Gastos ko lahat. Ang hinihingi ko na lang kay Cupid ay ang cooperation niya.
“So far, okey naman and hopefully this year maging maayos na ang lahat,
“Maganda nga sanang birthday gift ‘yung ma-grant na finally ang annulment ko. Para maka-move on na, di ba? I just want my freedom.”
Kaya sa magaganap na birthday celebration niya, parang “rebirth” ito para kay Jenny.
“Ngayon lang ako magkakaroon ulit ng big party to celebrate my birthday. When I turned 40, nagkaroon ng pandemic. Parang sumabay siya sa mga naging problema ko with my marriage, tapos nagkaroon pa ng sakit ang father ko. Nagsabay-sabay lahat.
“Then dumating itong mga angels sa buhay ko at unti-unting nalalagay sa ayos ang lahat. Kaya magiging best birthday gift sa akin ay ‘yung annulment. That will be my freedom.
“I want to start over. Gusto kong i-reboot ang buhay ko. It’s my rebirth. Gusto kong mabago ang maraming bagay-bagay sa buhay ko this year. Out with the negative things at mga positive lang ang papasukin natin.
Kasama ba sa pagbabago niya ang umibig ulit?
“Huwag muna, please. Marami pa akong kalat na kailangan ayusin bago ako magkaroon ng lovelife ulit. Ayokong magpapasok ng bagong tao sa buhay ko hanggang hindi pa maayos ang lahat.
“Kaya dedma muna ako sa mga nagpaparamdam. I want to love myself first. Ilang years din akong naging malungkot, natakot at nagduda sa sarili ko. Ngayon I choose myself and I choose to be happy.”