JENNYLYN AT DENNIS LEVEL UP NA ANG RELASYON PERO KALMA PA RIN SA KASALAN

LEVEL up na talaga ang pagmamahalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, wallfacehindi man sila madalas na magkasama sa mga projects at teleserye ng kanilang mother network ay gumawa naman ng sari­ling Youtube channel ang dalawa na magkasama.

Sa naturang channel ng dalawa ay masayang kinukunan ito sa isang maliit na kuwarto at kitang-kita na enjoy na enjoy sina Dennis at Jennylyn sa pagbibigay kaalaman sa kanilang subscribers ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa sports, musika at travel. Ang mga naturang aktibidades na ‘yan ay kapwa hilig nina Jen at Dennis kung kaya naging magkasundo sila sa tuwing magkasama at kung ano ang gagawin.

Tsika tuloy ng isang viewer nila na hindi kaya sinasadya na ng dalawa na laging magkasama dahil sa paghahanda sa nalalapit nilang pagpapakasal? Masaya namang sinabi ni Jennylyn na kalma na muna ang kanilang fans, wala pa raw plano sila ng boypren na magpakasal, ini-enjoy lang daw nilang dalawa ang mga time na magkasama sila at happy na sila sa ganoong sitwasyon sa nga­yon.

Samantala, abala si Jen sa dalawa niyang regular show sa GMA 7, isa bilang host sa pagbabalik ng “Starstruck” samantalang patuloy pa rin sa pagtaas ng ratings ang “Love You Two” nila ni Gabby Concepcion.

THEA TOLENTINO STILL IN LOVE WITH THE SAME PERSON KAHIT AWAY-BATI

PAGDATING  sa kanyang lovelife, tahimik lang si Thea Tolentino. Pero hindi THEA TOLENTINOnaman niya itinatago sa publiko ang kanyang status pagdating sa lovelife. Ngayon ay happily in relationship again itong si Thea, and again kay Mikoy Morales, ang kanyang kabatch sa ‘Protégé’ ng GMA 7.

Hindi lang iilang beses na naghiwalay ng landas ang dalawa pero ‘pag sa tuwing nagkikita sila ay nauuwi ulit sa balikan for the nth times. Ano kaya ang nakita nila sa isa’t isa kung bakit lagi rin naman silang nagkakabalikan tuwing magbi-break?

Say ni Thea, kahit naman daw kasi na naghihiwalay sila ng landas ay nagiging magkaibigan sila. Na nag-uusap ng sikreto sa isa’t isa na nakagawian na nila noong mag-on pa sila. Kaya nga ‘pag nag­kataon nag-meet sila per­sonally at nabigyan ng chance na magkausap ng seryosohan, ang ending ay laging balikan into each other arm ang drama. Ang isa pang rason ni Thea kung bakit feeling niya ay sila na nga ni Mikoy para sa isa’t isa ay ang kadahilanan na hindi na siya nagpapaligaw kahit wala na sila ng boypren at ganu’n din daw si Mikoy, kahit loveless ay hindi nanliligaw ng ibang babae.

Sa ngayon ay abalang-abala si Thea sa kanyang bagong teleserye sa GMA 7, ang “Rosang Agimat” na pinagbibidahan ni Gabbi Garcia, at sa taping din ng teleseryeng ito naganap ang hindi inaasahang pagkadapa ng magaling na actor/director na si Eddie Garcia na naging sanhi ng kanyang pagkaka-ospital at nalagay sa kritikal na kondisyon.

Comments are closed.