JENNYLYN ‘DI INAKALA NA SIYA PALA ANG HINIHINTAY NA PARTNER NI DINGDONG

TUWANG-tuwa at hindi talaga inakala ng Ultimate Kapuso Actress na si Jennylynwallface Mercado na siya ang mapipiling leading lady ni Dingdong Dantes, na siya pala ang sinasabing “hinihintay” ng cast nang Pinoy adaptation ng hit na hit na Koreanovela na “Descendants of the Sun”.

Noong ilabas ang mga cast ng naturang tele­serye, isang malaking espekulasyon lang ang pag­kasali ng pangalan ni Jennylyn dahil nang mga oras na ‘yun ay nanga­ngalahati pa lang ang airing date ng soap nila ni Gabby Concepcion na “Love You Two”.

Marami nang nagawang taping ang teleserye ni Dingdong pero si Jennylyn ay tuloy pa rin sa taping ng teleserye niya. Kung kaya kahit may alam na si Jennylyn na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa naturang teleserye ay dedma lang siya. Kaya ganu’n na lang ang gulat niya nang makatanggap siya ng offer na siya na nga ang leading lady ni Dingdong.

Ngayon ay habol ang kanyang byuti sa mga tapings at nag-undergo pa siya ng training para sa kanyang karakter. Kinakailangan daw talaga niyang pag-aralan ang pagbibigay ng first aid para maging makatotohanan ang kanyang papel.

KYLINE ALCANTARA TENSIYONADO SA KANYANG PELIKULA

HINDI naging masyadong pabor kay Kyline Alcantara ang ginawa niyang sarilingKYLINE ALCANTARA teleserye na “Inagaw Na Bituin” sa GMA-7 pero hindi naman masasabi na mahina ang hatak nito sa televiewers. Ngayon ay muling sasabak si Kyline sa panibagong yugto ng kanyang showbiz career, ang masa­sabing launching movie niyang “Black Lipstick”.

Ano naman kaya ang nararamdaman ngayon ng Kapuso young actress? Aminado siyang minimal lang ang nararamdaman niyang excitement, bagkus, mas matindi raw ang da­ting ng pressure sa kanya ngayon ng bagong proyekto. Tense na tense raw si Kyline sa kalalabasan sa takilya ng kanyang launching movie. Dasal kasi ni Kyline na kumita ang kanyang pelikula hindi lang para sa kanya kundi sa lahat ng involved sa ginawa niyang movie kasama na ang mga cast, staff at producer.

Proud na proud si Kyline sa kanyang “Black Lipstick” dahil sa ganda ng istorya at hindi niya ikinakailang may pagkahawig ang tema ng istorya ng movie niya sa pelikulang na ginawa ni Snooky noon na “Blusang Itim”. Isasama kaya ni Kyline sa pano­nood ng pelikula niya ang kanyang boypren?

Say ng young actress paano raw siyang magkakaboypren kung hindi pa raw siya nagpapaligaw. At kailan naman niya balak magpaligaw, 17 years old na siya ngayon? Say ni Kyline bahala na raw ang future na magsabi.

Comments are closed.