JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO PLANONG MAG-TEMPLE HUNTING

JENNYLYN MERCADO-DENNIS TRILLO

NGAYONG tapos na ang “The Cure” nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ay bakasyon time namanwallface ito para kay Jennylyn and bonding time with son and boyfriend na si Dennis Trillo. At bago pa man maging abala na si Dennis sa bago niyang teleseryeng gagawin sa GMA7, ang isang soap kung saan ay magtatagisan sila ng aktingan sa drama at aksiyon ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ay naka-schedule na sina Jen at Dennis na muling magbiyahe. By this time, ay kakaiba naman ang kanilang gagawin ng girlfriend.

Ayon kay Dennis, kung datirati ang bakasyon nila ni Jen ay sa mga isla sa bansa o kaya travel sila abroad, this time ay temple hunting naman ang kanilang gagawin. Kung saan templo at anong templo ito ay hindi na pinahayag pa ni Dennis. Kapwa naging interesado sina Jen at Dennis sa kanilang plano, dahil bukod sa sweet moments nila together ang bakasyon ay mahilig din sa adventure ang dalawang ito.

ALDUB PINAGHIHIWALAY KAHIT SA MGA COMMERCIAL

ALDUBKAHIT tila may temang hiwalay na muna ang bagong commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isang sikat na fast food chain, naghatid pa rin ito ng kilig sa mga libo-libo nilang loyalists at supporters.

Sa bagong commercial kasi ng dalawa ay ipinakikita sa isang eksena na may kanya-kanyang lakad o raket ang dalawa. Sa ngayon kasi si Alden ay may sariling teleserye minus si Maine, ang “Victor Magtanggol” samantalang iba rin ang leading man ni Maine sa bago niyang pelikulang intended for Metro Manila Film Festival ngayong taon. Pero bawi naman ang director ng naturang commercial na kahit pinaghihiwalay niya ang dalawa ay gumawa naman si Alden ng paraan para makasama ang kanyang ultimate leading lady na si Maine. Sa ending ay naturang commercial ay magka­tabi na sila sa isang upuan habang kumakain ng fries na sad­yang kinakiligan ng mga AlDub nation.

WINWYN MARQUEZ, AATRAS NA SA BINIBINING PILIPINAS

WINWYN MARQUEZ-2MINSAN nang sumali sa Bb. Pilipinas si Winwyn Marquez pero wala siyang napanalunan sa 4 major title bagkus nakopo niya ang mga consolation awards. Sa Miss World Philippines naman ay win si Winwyn ng title, at nanalo rin sa Miss ReynaHispanoamericana last year. May tsikang feel daw ulit ni Winwyn na sumabak sa Bb. Pilipinas, tulad ng ginawa ni Bb. Pilipinas Universe 2017 na si Catriona Gray, o di ba, win din si Catriona sa Miss World Philippines bago sumali ulit at nakopo ulit ang isa sa major title ng Bb. Pilipinas.

Maging si Miss Universe Pia Wurtzbach ay ilang ulit din nag-try sa Bb. Pilipinas hanggang sa makopo na nga ang Miss Universe title. Marami sa mga malalapit kay Winwyn ang naghihikayat na subukan niya ulit mag-join sa Bb. Pilipinas. At para kay Winwyn ay feel niya talaga sumabak ulit pero nagkataon naman na habang tinatapos pa niya ang kanyang pagi­ging ReynaHispanoamericana, ay nagdagsaan naman ang magagandang showbiz offers sa kanya.

Say ni Winwyn, malamang ay hindi niya kakayanin na sumabak sa parating na Bb. Pilipinas beauty contest sa susunod na taon pero hindi naman daw pa niya isinasara ang kanyang isipan sa muling pag-join. Ika nga ni Winwyn, timing lang ang gagawin niya.

Comments are closed.