ITINANGGI na ni Jennylyn Mercado ang balitang preggy raw siya kay Dennis Trillo. Tinawanan na lamang ito ng maganda at mahusay na bida ng epidemic serye na “The Cure” na nasa huling dalawang linggo na lamang. Fake news nga ang kumalat na iyon dahil halos gabi-gabi napanonood si Jennylyn na nakikipaglaban sa mga eksena ng serye, sa mga infected na dapat nilang labanan para hindi sila makagat ng mga ito at maging infected din sila.
“Hayaan na ninyo sila, sanay na ako na mabalita iyon, pang-sampu na yata ngayon,” nagbibiro pang sagot ni Jennylyn. “Marami pa po akong tra-baho, kahit magtatapos na kami rito, marami pa ring mga maaaksiyong eksena kaming kukunan hanggang sa final week. At magsisimula na rin po akong mag-shooting ng bago kong movie para sa coming Metro Manila Film Festival sa Disyembre, ang “Girl In the Orange Dress” na magbabalik-tambalan kami ni Jericho Rosales at muli ko namang makakasama si Tom Rodriguez, plus sina Jessy Mendiola at Sam Milby.
“No problem po sa akin kung second choice lamang ako, dahil hindi ito itinuloy gawin ni Kim Chiu, na siyang first choice ng Quantum Films at MJM Productions. Si Jay Abello po ang director namin.”
DIREK JOEL LAMANGAN BALIK TELESERYE
MATAGAL-TAGAL nang iniwanan ni Direk Joel Lamangan ang pagdidirek ng teleserye at sabi niya noon, mas gusto niyang magdirek na lamang ng movie dahil madali lamang itong matapos. Nagdirek na rin siya ng mga musical stage plays, kinalimutan muna niya ang paggawa ng mga teleserye.
Kaya nakagugulat na biglang may project siyang gagawin at balik-GMA nga siya sa pamamagitan ng “Pamilya Roces” na mukhang isang family drama. Ano kaya ang nakita niya sa proyektong ito at nabago ang pananaw ni Direk Joel na balikan ang pagdidirek ng teleserye?
Ang cast kaya? Mukhang pinagsama-sama kasi ng GMA ang mga beauty queen at mahuhusay na actress na mga pangalan daw ng bulaklak ang mga character na gagampanan nila.
Balik-GMA din si Ms. Gloria Diaz, ang kauna-unahang Miss Universe ng Filipinas, naroon din si Ms. Elizabeth Oropesa na dating Miss Luzon sa isang beauty pageant at si Reina Hispanica Americana 2017 Teresita Ssen (Winwyn) Marquez. Kasama rin ang mga mahuhusay na actress na sina Snooky Serna, Carla Abellana, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Mika dela Cruz at ang mga bagong Kapuso actresses Jasmine Curtis Smith, at Michelle Dee (daughter of Miss International Melanie Marquez). Dalawa pa lamang ang actors na kasama sa casts, sina Rocco Nacino, Christian Bautista at Roi Vinzon.
Wala pang ibang detalye na ibinigay ang GMA after ng story conference nila.
Nagpasalamat naman si Jasmine sa first project niya sa GMA: “Thank you GMA Network. Looking forward to working on my first project with you all.” Tiyak na matatahimik na ang mga basher ni Jasmine dahil akala nila ay totoo ang kumalat na balita na si Jasmine ang magiging leading lady ni Alden Richards sa “Victor Magtanggol.” Itinanggi na rin ito ni Jasmine, pero ang mga basher, hindi tumigil. Ngayon, na-fake news sila kaya tameme na lamang sila ngayon.
Comments are closed.