JENNYLYN MERCADO LEADING LADY NI DINGDONG SA ‘DESCENDANTS OF THE SUN’

Dingdong and jennylyn

SA Kapuso Network, mukhang si Jennylyn Mercado ang pinaka-busy ngayon. Bago pa nagsimula ang showbiz eyeromantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na “Love You Two,” malakas na ang balitang si Jennylyn din ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Korean Drama na “Descendants of the Sun” (DOTS) at makakatambal siya ni Dingdong Dantes.  Pero nag-deny si Jennylyn, magsisimula pa lamang sila ni Gabby? Pero iyon nga, lumabas na rin na totoong sila ni Dingdong ang lead stars ng “DOTS.”

Lumabas na rin ang teaser plug ng reality artista search ng GMA “StarStruck 7.”  Nakilala nang sina Dingdong at Jennylyn din ang hosts at panel of judges sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at si Jose Manalo.

So, kung si Jennylyn ang busiest actress sa GMA, busiest actor naman si Dingdong, dahil bukod sa dalawang shows, may new episodes na ulit siya ng infotainment show na “Amazing Earth” at siya rin muna ang pumalit sa wife niyang si Marian Rivera as host ng OFW docudrama na “Tadhana” habang naka-maternity leave pa si Marian.

Sa ngayon, wala pang exact date kung kailan magsisimula ang “StarStruck 7” at “Descendants of the Sun.”

BIANCA UMALI KINIKILIG ‘PAG TINATAWAG NA SAHAYA

FLATTERED pa si Bianca Umali na tawa­ging ‘Sahaya’ kapag nakikita siya at tinatawag ng fans, sa halip Sahayana ang real name ni-yang Bianca Umali. Hindi ba siya nao-offend kapag iyon ang tawag sa kanya kaysa tunay niyang name?

“Hindi po, masaya pa po ako, ibig sabihin, pinapanood nila ako, kami, kaya alam nila ang mga pangalan ng characters namin,” sagot ni Bianca.  “Inspiration ko po iyon para mas lalo ko pang husayan ang pag-arte ko bilang si Sahaya sa a­ming epic-drama.  At totoo pong pinaghihirapan namin ang pagganap sa aming mga roles.”

Hindi nga biro kasi ang taping ng mga eksena nila, lalo na noong nasa Tawi-Tawi  pa sila bilang mga Badjaw, although sa ginawang Tawi-Tawi Village sa Calatagan, Batangas sila nagti-taping.  Kita mo ang tinitiis nilang init sa location, lalo na kung nasa labas sila, na matindi ang sikat ng araw.

“Pero sulit po namang lahat ang hirap kapag nababasa namin ang magagandang comments sa social media na nagugustuhan nila ang portrayal namin at iyong may mga natututunan sila sa tradition at culture ng mga Badjaw.”

Ngayon kasi, ang mga lead stars ay nasa Manila na ang location pero marami pa rin ang sa Calatagan, Batangas nagti-taping. Marami nang excited sa pagbabago ng character ni Sahaya,

“Pero nami-miss ko pa rin po ang napaka-simple na si Sahaya.  Si Miguel (Tanfelix) po ay ganoon pa rin bilang si Ahmad, pero marami nang pagbabagong magaganap lalo na at si Sahaya hindi man niya alam na anak siya ni Harold (Zo­ren Legaspi) pero ibinibigay na nito sa kanya ang lahat ng luho na ikinaiinggit naman ni Lindsay (Ashley Ortega) sa kanya.  Ang maganda po, palaban pa rin si Sahaya, hindi siya patatalo sa kanyang paniniwala. Marami pa pong aabangan, isa na rito ang pag­tsi-change na rin ng char-acter ni Ahmad.”

Napapanood ang “Sahaya” pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA 7.

Comments are closed.