Kahit wala sa inilinsad na station ID ng GMA 7, loyal pa ring Kapuso ang sikat na aktres na si Jennylyn Mercado.
Ayon sa kanyang manager na si Becky Aguila, hindi totoo ang tsismis na lilipat ng ibang istasyon ang aktres.
Loyal umano si Jennylyn bilang Kapuso at mananatili ito sa GMA 7 hanggang gusto pa siya ng management.
Paliwanag pa ni Aguila, hindi nakasama ang aktres sa station ID dahil nag-conflict ito sa kanyang very busy schedule, ngunit nakatanggap umano sila ng imbitasyon para dito. Isa pa, kasama umano sa station ID ang asawa ni Jennylyn na si Denny’s Trillio. Imposible umanong maghihiwalay pa sila ng network.