JENNYLYN MERCADO MAY DALAWANG PROYEKTO SA BUWAN NG MGA PUSO

JENNYLYN MERCADO

NGAYON buwan ng mga puso, dalawang proyekto na malapit sa puso ni Ultimate wallfaceStar Jennylyn Mercado ang magaganap.

Una na ang pag-eere ng bago niyang teleserye sa Siyete, after Love You Two nila ni Gabby Concepcion, ang Pinoy adaptation ng isa sa pinakasikat na Koreanovela  na Descendants of the Sun kung saan ay makakatambal niya si Dingdong Dantes.

Sadyang inaral na mabuti ni Jennylyn ang kanyang karakter, bilang isang military doktor at pinanood niya ang kabuuan ng naturang Koreanobela kahit aminadong hindi fanatic ng mga ganitong klase ng serye. Magsisimula ng mapanood ang Descendants of the Sun sa Feb. 10, pagkatapos ng Anak ni Waray VS Anak ni Biday.

Ang ikalawa ay ang CoLove concert nila ng boypren na si Dennis Trillo, ngayong Feb. 15 sa New Frontier Theater. Nang matanong naman si Jennylyn kung ano ang maibibigay na kilig ng concert nila ng jowa, say ng aktres, mga kanta at performance na kakilig-kilig. At nang matanong ang aktres kung kasama kaya sa concert nila ang biglaang proposal ni Dennis sa kanya, laking gulat ni Jennylyn sabay sabing wala raw ganu’n.

Secret nga kaya ‘di masasabi kung bigla siyang alukin ng kasal, say ni Jennylyn panoorin na lng daw ang concert.

TOM RODRIGUEZ BINUBUYO NI MIKAEL DAEZ NA MAG-PROPOSE NA KAY CARLA

MAGING ang mga kasamahan ni Mikael Daez, sa  ng Siyete na Love of my Life, na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, ay nagulat sa lumabas na balitang pagpapakasal ni Mikael at ng long-time girlfriend na si Megan Young.

Sa pangyayaring ito, may nagsabing tila pasimple raw na tinanong ni Tom si Mikael kung paano nito naplano ang pagpapakasal. Ani naman ni Mikael, biruan lang daw ‘yun pero si Mikael na raw mismo ang bumubuyo kay Tom na pakasalan na rin si Carla. Knows naman kasi ni Mikael na kapwa mahal nina Tom at Carla ang isat isa at si Carla na ang pangarap ni Tom na makasama  habang buhay.

Kung kaya may tsikang kumalat na tulad nina Megan at Mikael, ikagugulat na lang ng lahat ang biglaang  pagpapakasal nina Tom at Carla. Kinontra naman ito ni Carla sa pagsasabing kung sakaling dumating ang importanteng araw na iyon sa relasyon nila ng boypren, hindi raw nila ito ililihim.

Comments are closed.