JENNYLYN MERCADO NAGTAYO NG PASTRY BUSINESS KASOSYO SI DENNIS TRILLO

SA MISMONG pag-aaring building sa Timog Avenue ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado entra eksenanakatayo ang tatlong negosyo na Salon and Spa, Elorde Quantum Fitness Gym(franchise) at isa pang franchise ng Bean Leaf Coffee shop. Sabay-sabay na binuksan ni Jennylyn ang mga nasabing negosyo and so far maganda naman ang outcome nito.

Ngayong Oktubre naman kasosyo ang mata­gal ng boyfriend na si Dennis Trillo ay itinayo ng Kapuso sexy actress-singer ang online business na pastry na pina­ngalanan nilang Chunky Dough.

At pareho silang todo promote ni Dennis ng bagong negosyo nilang ito sa kani-kanilang social media account at agad daw na pinutakti ang magdyowa ng orders. Si Jennylyn daw mismo ang personal na nagbe-bake ng malalaking cookies kaya marami ang interesado na bumili nito.

RAMONA REVILLA ENJOY ANG BUHAY SA JAPAN

KASAMA NG HUBBY AT FARREL TRIPLETS

RAMONA REVILLAAFTER 3 months na pamamalagi sa Japan, ay balik bansa uli si Ramona Revilla kasama ang foreigner engineer hubby na si Frederick at ang naggagandahang Farrell triplets. Kinuha kasi ng isang multi-million company Fre­derick kaya pansamantala ay rito rin nag-stay si Ramona at naging comfortable ang maganda at former sexy singer-actress sa 2-bedroom hotel na tinuluyan nila ng kanyang mag-aama for 3 months. Wala rin namang nabago sa lifestyle niya dahil panay pa rin ang shopping niya ng mga nagugustuhang signature brand na mga gamit. At habang nasa trabaho ang kanyang hubby ay never na-sad si Ramona dahil always niyang ka-bonding ang kanyang 3 daughters na puro matatalino.

Samantala, nakakikilig ‘yung post ni Ramona sa kanyang Facebook account para sa lalakeng kanyang pinakasalan few years ago. “Until I met him (Frederick) I was afraid of loving someone. I didn’t want to be defenseless, but he made me trust him & I fell in love with him beyond comparison. The love made me stronger & made me a much better person. Little did I know, that strength & vulnerability could go hand in hand. When I look at the camera, it’s actually my forever man crush I’m looking at. My husband & father of my 3 absolute world. My engineer Frederick Farrell.

Comments are closed.