JENNYLYN MERCADO PINAHAHANAP ANG BATANG BINUGBOG NG MADRASTA

JENNYLYN MERCADO

AWA ang nadama ni Jennylyn Mercado nang mapanood ang sinapit ng batang sinaktan at ginulpi nghot shots madrasta at ng sariling ama. Nag-viral ang ginawang pananakit sa bata na sangkatutak din ang naawa at namuhi sa ginawa ng madrasta sa walang kamalay-malay na bata kung bakit siya sinasaktan.

Gustong tulungan ni Jennylyn ang batang nag-viral ang video dahil sa walang awang pambubugbog dito ng kanyang stepmother.

Sa 24 Oras napanood ni Jennylyn ang naging hitsura ng bata na halos sarado na ang mga mata dahil sa tinamong pananakit sa pas­lit ng tumayong nanay at ng sariling ama.

Sa official Facebook fan page ni Jennylyn pinost ng kanyang administrator ang panawagan ng actress na matulungan ang battered child.

“Can anyone inform us how we can reach out to this poor girl? Jennylyn Mercado experienced child battery when she was barely 3 years old. Jennylyn survived  because her Mommy Lydia saved her from further physical  and emotional abuse. Jennylyn would like to extend her support to this girl. Please let us know,” ayon sa post.

Nakaka-relate si Jennylyn sa sinapit ng bata dahil halos ganoon din ang dinanas ng actress noong siya ay bata pa. Binugbog at binanlian pa ng kumukulong tubig. Kaya alam ni Jennylyn ang sakit ng dinanas ng batang ginulpi ng madrasta at ng sarili nitong ama.

Bukod kay Jennylyn ay halos lahat ng mga nakakita sa bata sa social media ay galit din ang nadama sa gumawa ng pananakit sa walang kamuwang-muwang na bata.

Dapat daw na makulong ang gumawa ng pananakit sa bata at dapat din bigyan ng leksiyon ang doctor na tumingin sa bata na hindi man lang ini-report ang sinapit ng bata sa mga kinauukulan.

ANDI EIGENMANN NATUTO NANG MAGSALITA NG SURIGAONON

ANDI EIGENMANNMATAPOS na tumira ni Andi Eigenmann sa Surigao ng ilang araw lang ay natuto na itong magsalita ng wika ng mga taga-Surigao. Binati ni Andi ng happy birthday ang boyfriend nito na si Philmar Alipayo ng magkahalong English at Surigaonon.

“Happy birthday @chepoxz! You are easily, one of my favorite people in the world! You have the biggest heart I know and you never fail to put a smile on everybody`s  faces day by day. Lalo na sa ako. Salamat karajaw sa lahat! Malipajun ako na ini kaw sa amo kinabuhi.”

Ang ibig sabihin ng karajaw ay thank you so much at ang ibig sabihin ng greeting ni Andi sa boyfriend sa salitang Surigaonon ay salamat ng mara-mi, masaya ako na dumating ka sa buhay namin. Isinama ni Andi sa pagbati ang anak niya na si Ellie.

Ang naging sagot naman ni Philmar sa birthday greeting ni Andi ay, “Salamat karajaw, sobra ko sab ka malipapajun,” na ibig sabihin ay, “Maraming salamat at sobra rin akong masaya.”

Well, sana nga ay si Philmar na ang tamang lalaking magmamahal ng tapat kay Andi.

o0o

Klaudia KoronelDUMATING kahapon (Agosto 20) si Klaudia Koronel ng bansa para ayusin at tingnan ang mga pinundar.

Si KK ang masasabing tunay na Cinderella ang buhay dahil magmula ng pagkabata ay dumanas ito ng hirap. Nagsikap pa rin para mapabuti ang buhay at para matulungan ang kanyang mga magulang at kapatid.

Naiiyak si KK kapag nanariwa ang pinagdaanan noon nang manirahan sila sa ilalim ng tulay at pina­layas sa tinitirhan. Pero hindi nawalan ng loob para magsumikap sa buhay.

Nagtrabaho at napasama nga sa showbiz sa pamamagitan ng Seiko film isinilang ang bagong KK. Magmula noon ay hindi na siya tumigil sa pagtatrabaho at lahat ng kaniyang kinikita ay inilagay niya sa pagbili ng bahay para magkaroon ng sariling tirahan ang kanyang mga magulang at kapatid.

Naranasan din ni KK na alispustahin ng magulang ng naging boyfriend. Kaya nagpursige na makapag-aral at sa tulong ng pagsusumikap ay nagtapos siya ng kolehiyo.

Nakatagpo ng lalaking tunay na magmamahal at sila ay ikinasal at nanirahan sa America.

Ngayon ay nandito sa Pinas si KK para ayusin at tingnan ang mga ipinundar at para ibenta na rin ng isa-isa.

Sa State na lang daw niya gagamitin ang mga pagbebentahan sa mga ipinundar at doon na siya magtatayo ng negosyo.

Pero hindi rin itinanggi ni KK na nami-miss niya ang showbiz. Gusto sana niyang balikan kahit isang buwan ang pag-arte at pagpapatawa (dahil hindi rin siya magtatagal ng Pinas) sa isang gag show, tulad ng Bubble Gang at serye.

Comments are closed.