JEREMIAH TIANGCO MAPAUUWI NA ANG AMANG SEAMAN

JEREMIAH TIANGCO

HEARTFELT congratulations to Jeremiah Tiangco, the 2019 The Clash Grand showbiz eyeChampion, sa ginanap na #TheFinalClash last Sunday, December 15, sa Studio 7 ng GMA Network Annex building. Nagsimula si Jeremiah noong 64 pa lamang ang nakapasang contestants.

Nakalaban ni Je­remiah sa Final 5, sina Nef Medina, Antonette Tismo, Jennifer Maravilla at Thea Astley.  Pagkatapos nilang umawit, napiling mu­ling naglaban sina Jeremiah at Thea.  In fairness, kahit sino sa kanilang dalawa ay karapat-dapat namang manalo, dahil parehong mahusay ang performance nila, pero si Jeremiah ang nanalo na ikina-iyak ng 22-year old Mass Communication student from Cavite.

Ang tagumpay ni Jeremiah ay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang pamilya at mga kamag-anak.

“Iyon po ang goal ko nang sumali ako rito,” sabi ni Jeremiah sa interview pagkatapos ng grand finals.  “Nang una akong sumali sa first season ng “The Clash,” ni hindi ako nakatuntong ng stage, pero hindi po ako nawalan ng loob na muli akong sumali.  Mas nag-aral ako mapahusay ang pagkanta ko at ang gusto ko lamang ay makatulong ako sa aking pamilya.  Nag-iisa po lamang akong anak, kaya ngayong kaya ko na, pag-aaralin ko ang pinsan ko na makatapos din ng college.  Pauuwiin ko na rin po ang tatay ko na 19 years nang seaman, para magkasama-sama na kami.  Totoo pong napakaganda ng Pasko ko at labis-labis ang pasasalamat ko sa Diyos sa blessings na ito. Dininig po Niya ang mga dasal ko.  Kaya tutuparin ko ang pangako ko sa Kanya na ido-donate ko ang part ng cash prize na pinanalunan ko.  Marami pong salamat sa lahat ng mga sumuporta sa akin, kahit po sa mga bashers, salamat po, mas pinalakas ninyo ang loob ko. Hindi ko po kayo bibiguin, sa anumang ipagagawa sa akin ng GMA Network.”

Tumanggap si Je­remiah ng GMA management contract, one million pesos cash, a brand new car at house and lot from Bria Homes.

Nagpanalo kay Je­remiah ang mga kinanta niyang “I Believe I Can Fly,” “I Set Fire” at “I Believe” na napansin niya after na pawang mga pasasalamat sa  Diyos ang mga inawit niya.

This early, may mga fans na silang gustong maging magka-loveteam ni Thea at may name na sila: JerThea.  When asked kung gusto rin niyang mag-artista, kung ano raw ang ibigay sa kanya ng GMA, pero gusto rin niyang mas mag-focus sa music.

JOSE MANALO HIRAP MAGKONTRABIDA KAY VIC SOTTO

FIRST time ni Jose Manalo na gumanap na kontrabida sa pelikula nila nina Bossing Vic Sotto, sa “Mission Unstapabol: The Don Identity” para sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25.  Ang hirap daw palang maging kontrabida sa movie, na hindi siya magpapatawa at dapat laging seryoso ang mukha niya.  Bale ba, magkapatid ang role nila ni Vic at hindi niya alam kung paano ito pagagalitin.

“Siguro, gusto naman nina Bossing at direk Mike Tuviera na pangit ang kontrabida kaya ako ang pinili nila,” biro ni Jose. “Pero maraming salamat sa kanila dahil iba naman ang character na ginampanan ko.”

Kasama pa rin sa cast sina Maine Mendoza, Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola, Clint Bondad at may special participation si Bacoor City Mayor and actress Lani Mercado bilang ina ni Maine as Donna Cruz/Claire sa story.

Comments are closed.