JERICHO ROSALES INAASAM PA RIN NG FANS NA MAKATAMBAL SI KRISTINE HERMOSA

SWAK kay Jericho Rosales ang bago niyang titulo bilang Asian Drama King. Sikat pa rin talaga si Jerichoreflection sa mga bansa sa Asya gaya ng Malaysia. At walang duda na si Echo sa mga teleserye ng Dos.

Siyempre, masaya ang feeling ni Echo kapag naririnig niya ang mga ganitong bagay lalo na kung galing pa sa mga ehekutibo ng network.

“Iba siyempre ‘yung feeling na global ‘yung project. Number two, I have the opportunity to work with non-Filipino actors ‘di ba? Non-Filipino production, ‘di ba? I get to sing pa,” ngiti ni Echo.

Matagal ng dream ni Jericho ang maging international star. In fact, gusto pa niyang umalis ng bansa para subukan ang swerte niya sa international scene.

“Ngayong panahon na ‘to hindi mo na kailangang umalis. Dito lang. Mag-produce ka ng ground-breaking projects.”

Sikat pa rin sa Malaysia si Jericho dahil sa teleserye nila ni Kristine Hermosa na “Pangako Sa ‘Yo.” Bagaman nag-lie low si Kristine for a long period of time, balik-serye na rin siya bilang suporta sa “Bagani.”

“Masaya ako kasi alam ko na ayaw na niyang umarte, e, ‘di ba? So, I think she’s having fun now. Alam ko si Kristine very focus ‘yan sa family niya, and that’s a great thing.”

Tinanong namin siya kung possible ba na magtambal ulit sila ni Kristine sa isang proyekto, depende ayon kay Echo. Okey naman daw sa kanya. In fact, nagbiro pa siya na kung gusto pa raw namin ay mag-guest siya sa “Bagani.”

“Unbelievable ‘no? Hanggang ngayon maraming may gusto. E, why not?”

Incidentally, ipapalabas ang “Halik” kasunod ng “Bagani.

Mukhang ‘di pa rin sila okay

KRIS AQUINO TAHIMIK SA ISYU NG KANYANG KUYA PNOY

KRIS-AQUINO-2DATI ay matunog ang isyu na si Kris Aquino ang tatakbo sa pagka-Senador. Tagilid kasi ang pinsan niyang si Sen. Bam Aquino na laglag sa magic 12 for senatorial slate sa Pulse Asia at SWS surveys.

Pero how true na aatras si Tetay kasi puro nega na ang nakakalkal na isyu sa kapatid niyang si Pres. Noynoy Aquino?

Sa kaso ni PNoy sa Mamasapano Massacre na 44 SAF ang namatay, dedma ang mga tao. Pero sa DAP scam ay nawalan na ng gana ang publiko sa kanya.

At ngayon, in trouble na raw ang pamilya Aquino sa P3.5 billion Dengvaxia isyu laban sa kapatid ni Kris. Magsasalita na kaya ang ilang artista na may kamag-anak ding namatay sa bakunang ito o mananahimik pa rin?

Pero sabi naman daw ni Sen. Bam, haharap sa lahat ng kaso niya “with courage and honesty” si PNoy.

But wait a minute, ‘di ba bati na ang magkapatid na sina Kris at PNoy? Bakit wala kaming naririnig na anuman from Kris para depensahan si PNoy at si Sen. Bam ang nag-iingay?

Baka nga ‘di pa okey si Kris at si PNoy.

Comments are closed.