ANG pagtitinda ng karne sa palengke ng Marikina ang pinagkakaabalan at pinagkakakitaan noon ni Jericho Rosales. Nagbago ang kapalaran ng actor nang sumali siya sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga kung saan siya ang itinanghal na winner at mula noon ay nagkasunod-sunod ang suwerte ni Echo at ngayon ay isa siya sa kinikilalang mahusay na actor at goldmine ng ABS-CBN.
Maliban sa kanyang magandang career sa pag-aartista ay in-demand din si Jericho sa malalaking product endorsements at matagal na ring may negosyong barbershop ang aktor na Talas Manileño tag as “Ang Talas ng mga Gwapo” located at Cubao Expo, General Romulo Ave, Cubao Quezon City.
Umabot sa P1 milyon ang ipinuhunan dito ng aktor at sa tagal nito ay bawing-bawi na siya. Siya rin ang modelo ng sariling barbershop at swak siya rito dahil sa pananatili niyang bata at guwapo.
DJ-MUSICIAN NA SI LIZA JAVIER MAINGAY
ANG PANGALAN SA OSAKA JAPAN AT AMERIKA
KILALANG-KILALA ng maraming Pinoy at maingay ang pangalan ng DJ-musician na si Liza Javier sa Osaka, Japan at America kaya’t tulad nina Marlene dela Pena at Ruby Moreno na parehong mga naging tanyag sa Japan ay maituturing ding Pinay pride at radio and internet personality. Well-followed ang show ni Liza na “Kalye Solution Live” sa D’ Crazy Horse kung saan kasosyo siya sa internet network na nagpapasaya sa kanyang libong-libong OFW listeners sa Japan at iba pang panig ng Asya at Amerika. At sa sobrang popular ng programa ay kinilala ang nasabing magandang host at binigyan ng sunod-sunod na parangal ng GAWAD Amerika Awards.
Noong 2015 ay itinanghal siyang “Most Outstanding Internet Radio Broadcaster of the Year” at “Global Internet Radio Broadcaster of the Year.” Nasundan pa ito noong 2016, at 2017. This year ay muling tatanggap ng parangal si Liza sa 17th Annual Gawad Amerika Awards bilang “Mrs. Gawad Amerika” na gaganapin sa August 8, 2018 sa The Center Burbank Blvd., Hollywood. Personal uling tatanggapin ni Liza ang parangal at makakasama niya na awardee ang first Pinay actress na naging Best Actress sa Cannes Film Festival na si Ms. Jaclyn Jose.
Iginawad na rin sa nasabing lady deejay singer ang Lifetime Achievement Radio Personality award na Filipinos Pride in Japan and USA sa field of Media. Bilang artist ay super talented din itong si Liza na mahusay kumanta at tumugtog ng piano. Hinangaan at umani ng maraming views sa kanyang Facebook account ang cover version niya ng “Price Tag” ni Jessie J.
Comments are closed.