NAKALABAS na ng hospital si Jeron Teng ng Alaska matapos magtamo ng tatlong saksak sa katawan nang masangkot sa kaguluhan sa BGC noong Linggo, alas-2 ng madaling araw.
Ipinagtanggol ni Teng ang nobya na isang court side reporter sa La Salle Green Archers noong 80th season ng UAAP. Tatlong saksak ang tinamo ni Teng na pawang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. ‘Yung isang tama niya ay malapit sa kidney, ang isa ay sa puso, at ang isa ay malapit sa lungs. Kakailanganin pa ng pahinga ni Jeron bago siya tuluyang makabalik sa hardcourt. Kina-kailangan din niyang magpa-therapy upang manumbalik ang lakas niya. Ang mga salarin naman ay nahuli rin, buti na lang at umamin sila sa kanilang nagawang kasalanan sa baketball player. Ang iba pang kasama ni Jeron sa gulo ay ang Torres brothers na sina Thomas at Norbert.
Dito makikita kung gaano kamahal ni Jeron ang kanyang nobya kung saan ang pagtatanggol niya rito ay naglagay sa kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.
Ang siste ay papunta na ang grupo ni Teng sa parking area at nakita sila ng mga foreigner na nakaaway nila. Sa totoo lang ay mabait na bata si Jeron, hindi siya pinalaki ng kanyang mga magulang na maging basagulero, hindi ito pupuwede sa kanyang mga magulang, lalo na kay Mommy Susan Teng. Mataray lang kung manood si Mrs. Teng, asawa ni ex-PBA player Alvin Teng, dahil ipinagtatanggol lang niya ang kanyang mga anak.
Pagaling ka agad, Jeron, para matulungan mo ang inyong mother team.
oOo
Sa Tuesday pa, June 12, ang opening ng Maharlika Cup sa Araneta Coliseum pero ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng ating mga kababayan. Kung noong 1st conference nila last January ay nag-raffle ng 10 motorcycle si Senator Manny Pacquiao, sa June 12 naman ay 26 motorcycle at isang brand new car ang naghihintay sa mga masuwerteng mananalo. Siyempre, para magkaroon ng chance na manalo ay kailangang manood kayo nang live sa Big Dome. Kahit saan ang puwesto ninyo ay may chance kayong manalo. Huwag lang sa gallery ang lugar ninyo kasi ay libre roon. Good luck sa 26 team na kalahok sa 2nd conference ng MPBL!
oOo
At long last ay nanalo rin ang Blackwater Elite laban sa Magnolia Hotshots pagkatapos ang pitong talong nalasap. Ibig sabihin nito ay sadyang mahina ang import ng Hotshots na dapat nang palitan dahil walang mangyayari kung itutuloy nila ang tumatayong import nila sa kasalukuyan.
Congrats, Blackwater at kay coach Bong Ramos.
Comments are closed.