JERROLD TAROG IPINALIT KAY ERIK MATTI PARA MAPALIPAD SI DARNA

MUKHANG matutuloy na ang paglipad ni Darna na gagampanan ni Liza Soberano matapos ang ilangbuzzday taon ding paghihintay. Inanunsiyo ito nitong nakaraang Biyernes, isang araw matapos ding layasan ni Erik Matti ang proyekto, dahilan umano sa “creative differences” sa ABS-CBN network.

Diumano, isa raw sa “creative differences” na  namagitan between the network and Erik Matti ay pagpapalit-palit daw ng script na ikinaloka ni  Direk Matti, mayroon naman ayaw raw ng mga kasama ng director ang ibang nasa produksiyon, pero mas maugong na ang gusto raw yata ni Direk Matti ay mga banyaga ang gustong makasama sa produksiyon. Malaki nga naman ang gagastusin kung ganu’n.

Kaya nga komento ng isang katsikang betera­nang manunulat: “Bakit naman ang Darna nina Vilma et al ay kumita ng hindi naman mga banyaga ang kasali sa produksiyon?

Oo nga naman!

Kaya ayun, drop ni Direk Matti ang proyekto at back ito sa paggawa ng project sa ilalim ng kanyang sariling film outfit.

So ngayon, matutuwa na siguro ang fans ni Liza Soberano dahil finally, lilipad na ang kanilang Darna with Direk Jerrold Tarog of “Heneral Luna” and “Goyo: Ang Batang He­neral” fame at the helm.

Nagpapasalamat naman ang ABS-CBN at Star Cinema sa Artikulo Uno sa pagpayag nila kay Direk Jerrold Tarog to do the project.

“We welcome Jerrold’s fresh take, innovative ideas, and signature directorial style to make Darna’s return to the big screen a rare cinematic experi-ence for moviegoers,” says part of the press statement issued by Kane Errol Choa Integrated Corporate Communications.

‘THE CLASH’ CONTINUES ON ‘STUDIO 7’

STUDIO 7BECAUSE of their trending performances, ‘The Clash’ top five finalists and now becoming instant superstars led by its grand champion Golden Canedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, Josh Adornado, and Mirriam Manalo can continue to showcase their world-class talent on stage in the forth-coming musical ‘Studio 7’ which is set to start on October 14 at 7:40pm to 8:40pm in GMA Sunday Grande.

Tuloy ang kanilang vocal showdown but this time, makakasama na nila ang mga magagaling na Kapuso biritero at biritera tulad ng romantic ballad-eer na si Christian Bautista, Julie Anne San Jose and Mark Bautista.

Gayundin sina Gabbi Garcia, and newest Kapuso hunk actor singer-dancer Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Val-dez, and twins Mavy and Cassy Legaspi as they offer one-of-a-kind performances to their fans.

Dagdag pa rito ang ibang klaseng brand ng comedy tandem nina Donita Nose at Tekla na ngayon ay tinawag na DonEkla.

All of them gave in to the request of the media in the recent mediacon to render a number from each of them to the delight of the audience present.

Sabi nila, patikim pa lang ‘yun, so kaabang-abang ang bagong Sunday musical spectacle na ito na magkakaroon ng iba-ibang segments every week including Trending where it will feature viral, heartwarming and interesting personalities online. Mayroon pang G na G, wherein hosts will take on the challenges given to them by the netizens. Tapos, mayroon ding on the spot na magkakaroon ng vocal showdown among GMA’s finest singers.

Heading the creative team is creative director Paolo Valenciano under the young TV director Miguel Tanchangco.

Exciting!

MISS WORLD PHILIPPINES 2018 MAPAPANOOD SA GMA NETWORK

MISS WORLDMAPANONOOD na ngayong Linggo (Oktubre 7), ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2018 sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Magtitipon-tipon ang 40 na magagandang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at maglalaban-laban para sa mga korona at titulong Miss World Philippines, Reina Hispanoamericana Philippines, Miss Eco International Philippines, at Miss Multinational Philippines.

Gaganapin ang pinaka-aabangang kompetis­yon sa Mall of Asia Arena na pangungunahan ng mga host na sina Kapuso prime actress Carla Abellana, Miss World 1993 2nd runner-up Ruffa Gutierrez, at Mr. World 2012 Francisco Escobar.

Magkakaroon din ng special performances mula sa Kapuso heartthrobs na sina David Licauco, Gil Cuerva, at Kristoffer Martin.

Sino sa mga aspiring Filipina beauty queens ang susunod sa yapak nina Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann, Reina Hispanoamericana 2017 Te­resita Ssen Marquez, Miss Eco International 2018 Thia Thomalla, and Miss Multinational 2017 Sophia Senoron?

Panoorin ang coronation night ng Miss World Philippines 2018 ngayong Linggo, Oktubre 7, 10:30pm sa SNBO.

Comments are closed.