MATAGAL na palang pangarap ni Jessy Mendiola na makasama sa isang pelikula ang kaniyang biyenang si Vilma Santos-Recto. Kahit daw extra lang siya sa movie ni Ate Vi, okay na sa kanya basta makasama lamang niya ang ‘Star for All Seasons.”
Pangarap na raw niya ito kahit noong hindi pa sila ni Luis. Noon daw, inakala niyang imposible iyon, pero siguro ngayon, baka kahit paano, may posibilidad na. Sasamantalahin daw niya na ngayon ay biyenan na niya si Ate Vi.
Hindi raw naman siguro masamang tuparin na niya ngayon ang kanyang pangarap.
Sobrang fan daw talaga siya ni Ate Vi, hindi lamang bilang artista kundi bilang public servant din. Nakita raw niya kung paano nagsilbi sina Ate Vi at former senator Ralph Recto noong pandemic, at naniniwala siyang kapag tumakbo si Luis Manzano sa pulitika, malaki ang posiibilidad na manalo ito dahil nakita na ng mga tao kung paano magsilbi sa bayan ang kanyang pamilya.
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit mas mahal pa niya si Luis. Hindi lamang dahil may anak na sila – si Peanut – kundi dahil napakabait din ng kanyang biyenan. Naniniwala si Jessy na mas magiging matatag ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa dahil suportado sila ng kanyang biyenan emotionally. NLVN