“HUWAG ninyo nang pansinin ang hita ko, pansinin niyo ang mga hita niyo!” ‘yan ang bungad ni Jessy Mendiola sa kanyang vlog kung saan sinagot niya ang mga batikos sa kanya ng mga bashers.
Habang nagluluto si Jessy, binabasa niya ang mga natatanggap na batikos sa kanyang social media account. Bago niya sagutin ang mga batikos sa kanya ay nagpaliwanag muna siya na may feeling din silang mga artista at sana raw ay no hard feelings sa mga magiging sagot niya sa mga bashers.
Unang comment na binasa ni Jessy ay nagsasabing, “Sorry, Jessy, but you don’t even deserve the salitang respect” kung saan nalungkot dito si Jessy dahil lahat ng tao ay deserving ng respect, hiling niya na sana raw matutunan din siyang respetuhin ng naturang basher.
Sa comment naman na “Ang O.A mo Jessy.” Ipinaliwag ni Jessy na kailangan niyang maging O.A dahil parte ‘yun ng kanyang trabaho.
Sinabihan pa si Jessy na ginagaya nito si Alex Gonzaga at ang naging sagot naman niya sa basher ay nagva-vlog sila pareho pero magkaiba ng content dahil magkaiba rin ang kanilang personality. Suportado pa nga raw siya ni Alex at si Alex ang unang pinagtanungan niya kung paano mag-vlog.
Pinansin din na parang malaki ang hita ni Jessy at pabirong sinagot ito ni Jessy na, “hindi parang malaki. MALAKI talaga siya, guys.” Kaya ganoon daw ang hita niya dahil siya ay Lebanese.
Inamin din ni Jessy na dati siyang suicidal at kapag may nabasa raw siyang hindi maganda o batikos ay talagang tumatagos ito sa kanya.
Hiling ni Jessy na mag-ingat ang mga bashers sa kanilang pambabatikos dahil may iba na hindi malakas ang support system.
“Sana ma-realize niyo na may nasasaktan kayong tao,” say pa ni Jessy.
JAMES REID AT NADINE LUSTRE BULGARAN NA ANG PAGLI-LIVE IN
HUMINGI muna ng sorry si James Reid kay Nadine Lustre bago tuluyan nang ibinulgar na totoong nagli-live in na sila ni Na-dine. Sa tatlong taon nilang pagsasama sa isang bubong ay wala naman daw sila dinanas na hindi maganda.
Guest kasi si James sa Gandang Gabi Vice at doon nga inamin ni James na ikinatuwa at ikinahiyaw ni Vice at ng audience.
Medyo natigilan pa si James nang madulas na nagli-live-in na nga sila dahil biglang tumahimik sandali at nang magsalita muli si James ay diretsahan nang inamin kay Vice at sa audience na, “Yes, nagli-live in na kami ni Nadine.”
“Sorry love, sorry,” ani James. “It`s actually my longest relationship. It doesn’t feel like 3 years. Parang ang bilis.”
“Yes we live together. And sometimes kasi, araw-araw kayong nagkikita, there`s no space. Sometimes you get too comfortable.
“Sometimes may work siya, hindi kayo nagkikita. When she gets home, mami-miss mo siya, kahit isang araw lang,” kuwento pa ni James. Inamin din ni James na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya kay Nadine kahit matagal na silang magka-live in.
Ang inaabangan ngayon ay kung makaapekto raw kaya sa kanilang showbiz career ang pag-amin ni James. Malalaman ‘yan sa magiging resulta ng pelikula ni Nadine at sa darating na concert ni James.
Comments are closed.