JETHRO CAREY NAGBAYAD NG P.5-M SA KAANAK NI MAHAL

NAGBAYAD na pala ng P.5 million si Henry Carandang, aka Jethro Carey sa mga kaanak ni Mahal na bahagi ng kanyang pagkakautang sa pumanaw na ko­medyante, ito ang kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero.

Umamin si Jethro na nagalaw ang niya ang savings ng comedienne dahil nagkasakit ang kanyang kapatid. Alam umano ni Carey ang PIN ng ATM ni Mahal at minsan, may authorization letter pa ito kaya malaya siyang nakakapag-withdraw sa bangko.

Halos P25,000 lamang ang natitira sa savings account ni Mahal nang mamatay ito sa COVID-19 noong August 31, 2021.

Makalipas ang tatlong buwan matapos pumanaw ni Mahal, isa-isang naglabasan ang mga isyu tungkol sa naiwang pera ng comedienne pati na ang kita mula sa YouTube channel nito kaya hiningi ng pamilya ni Mahal ang tulong ng management ng bangko at nakakuha sila ng kopya ng record ng withdrawal transactions ni Jethro. Ibinalik din ni Jethro ang cellphone ni Mahal na naging susi para malaman ng mga kapatid ng comedienne ang mga pinagdaanan at ang mga pangyayari sa huling sandali ng kanyang buhay kasama si Mygz Molino sa Tanauan, Batangas..

Gagamitin umano mga kapatid ni Mahal ang pera sa pagpapatayo ng musoleo. – KAYE NEBRE MARTIN