JIMMY BONDOC NAKAHANDA SA DEMANDA

Jimmy Bondoc

HANDA si Jimmy Bondoc na harapin ang posibleng demandang kahaharapin niya sizzling bitslaban sa ABS-CBN all because of his revealing post on his Facebook account last May 22.

Ayaw muna niyang idetalye ang kaso ng sexual harassment dahil medyo sensitive nga ang isyu na ‘to.

Aware naman daw siya na may posibilidad na maging kaso ito.

But in the event that it becomes a case, nakahanda naman daw siya.

“Pero ako po ba ang unang narinig ninyo na nagkuwento ng ganyan tungkol sa network na iyan?” he was quoted to have said in an interview. “Tao sa tao po—with all due respect sa lahat ng tatamaan—ako po ba ang unang naringgan sa kuwentong iyan?”

Anyhow, in the event that it becomes a case, may mga kaibigang abo­gado raw siya na willing namang tumulong kapag umabot na ito sa deman­dahan.

True to his word, pinaninindigan ni Jimmy ang sinabi niyang tutulungan niya ang kung sino mang lalabas na nabiktima.

Noon man at maging sa ngayon, napakara­ming gustong makapasok sa showbiz at willing silang gawin ang lahat (and I mean lahat-lahat) para mabigyan lang ng pagkakataong sumikat at magkapera.

Aware tayong mahirap puksain ang sistemang sexual harassment sa show business but at least, we can give it a try.

SOPHIE ALBERT KINUYOG NG MGA NAGZU-ZUMBA

PAGANDA na nang paganda ang mga eksena sa inaabangang GMA teleserye na SOPHIE ALBERTBihag lalo pa’t unti-unti nang nagtatagumpay ang tunay na asawang si Jessie (Max Collins) laban sa kabit na si Reign (Sophie Albert).

Marami ang saludo sa muling pagbangon at paglaban ng karakter ni Max matapos nitong malaman ang panloloko ng asawang si Brylle (Jason Abalos) at tinuring na kaibigang si Reign. Hindi lang kasi usual catfight ang masasaksihan sa alitan ng dalawa, maraming mothers ang nakare-relate at marahil ay nai-inspire rin sa hindi papaaping karakter ng legal wife.

“Proud ako sa stretch marks ko! Battle scars ‘yan ng pagiging isang ina,” giit ni Jessie nang sabihan siyang laspag ni Reign. Kaya naman, kinuyog ito ng mga nagzu-zumba na mothers na narinig ang patutsada niya. Tutukan kung tulu­yan na bang magtatagumpay si Jessie laban kay Reign sa Bihag sa GMA Afternoon Prime.

YVONNE BOMBA QUEEN NG TAONG 1970, INALALA ANG KANYANG GLORIOUS DAYS

SHE is not known by the so-called millennials who viewed the movie Ligaw Na YVONNE BOMBABulaklak (1976) last Mayo 25, Saturday afternoon at the Tanghalang Manuel Conde of the Cultural Center of the Philippines.

When she was asked who she was in the movie, she explained patiently that she essayed the role of Remedios, ang belyas o kanturay na kumumbinsi kay Evelyn (Alma Moreno) na bumalik sa kabaret ni Mommy (Marissa Delgado).

Wayback in the mid-80s (1985 to be exact) Seiko Films paid her to do her life story titled Bomba Queen starred by Sarsi Emmanuelle.

Hate na hate ni Yvonne ang nasabing pelikula dahil pawang kasinungalingan daw ang nakalagay roon.

Sixteen years old daw si Yvonne when she started in the movies. Tinawag siyang “Kalbo” dahil parang balahibong pusa lang ang kanyang p-b-c hair kaya hindi gaanong makita.

Crowning glory niya nang manalo siya bilang best supporting actress sa 1st Gawad Urian for the movie Ligaw Na Bulaklak, that was Alma Moreno’s launching movie under the direction of Ishmael Bernal.

Tie sila noon ni Maya Valdez who won for the movie with the longest title (Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo) that was meticulously directed by the great Lino Brocka.

Lost sina Marissa Delgado (Ligaw Na Bulaklak), Moody Diaz (Itim), at Laurice Guillen (Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo).

Memorable sa kanya ang pagtatrabaho with Ishmael Bernal dahil natutunan daw niya sa kanya ang essence ng pag-arte.

Ang free showing ng Ligaw na Bulaklak last Saturday ay proyekto ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film).

Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.