PINAYAGAN ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makapagbakasyon sa Hong Kong habang may nakabinbin pang plunder case laban sa kanya.
Sa resolusyon ng Fifth Division noong Disyembre 12, pinayagan si Estrada para sa kanyang 5-day pre-campain vacation kasama ang kanyang pamilya sa Hong Kong mula Disyembre 26 hanggang 31 bilang konsiderasyon sa kanyang karapatan na bumiyahe.
“For the reason stated therein and considering that the right to travel is a constitutional right which cannot be impaired except in cases provided for by law, and that accused-movant Estrada has been previously granted travel abroad, the instant motion is granted,” nakasaad sa resolusyon ng Sandiganbayan.
Nauna rito ay hindi pinaboran ng prosekusyon ang hiling ni Estrada na muling tumakbo sa Senado sa susunod na taon dahil umano sa ‘lack of urgency’ at pinayuhan ang kanyang pamilya na sa bansa na lamang mag-Pasko.
Ipinaliwanag ni Estrada na nais sana niyang samantalahin ang oras at makipag-bonding sa kanyang pamilya malayo mula sa pressure at mga concern nito bago magsimula ang panahon ng pangangampanya. E. QUIROZ
Comments are closed.