HUMIHINGI ng pahintulot si dating senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan para samahan ang inang si dating senador Loi Ejercito na magpa-check up sa Singapore.
Sa inihaing urgent motion, sinabi ni Estrada na sasamahan niya ang ina mula Oktubre 1 hanggang 8.
Magtutungo ang dating unang ginang sa Singapore Brain-Spine Nerves Center sa Mount Elizabeth Hospital para makipagkita sa neurosurgeon na si Dr. Pillay.
Ang mosyon ni Estrada ay may kalakip na sertipikasyon mula sa kanilang family doctor na si Dr. Regina Bagsic, na nagsabing si Mrs. Ejercito ay natuklasang may “severe compression deformity of the lumbar spine with vertebral body collapse.”
Tiniyak naman ni Estrada na susunod siya sa anumang mga kondisyon na itatakda ng korte para payagan siyang bumiyahe.
Nahaharap ang dating senador sa kasong plunder at graft dahil sa umanoý pagtanggap ng kickbacks na umabot sa mahigit P183 milyon mula sa kanyang pork barrel na idinaan sa pekeng NGOs ni Janet Lim Napoles. Pinayagan ito ng Sandiganbayan na pansamantalang makalaya matapos mag-piyansa ng P1.3 milyon noong Setyembre 2017. TERESA TAVARES
Comments are closed.