DAHIL sa pagpatok ng teleserye nilang “Araw Gabi” ng rumored girlfriend na si Barbie Imperial ay masasabing nakabawi na nga si JM de Guzman sa kanyang showbiz career.
At para may patutunguhan ang kanyang kinikita sa pag-aartista at pagkanta ay nag-decide si JM na magkaroon na ng sarili niyang franchise ng iniindorsong JM Shawarma na sikat sa Visayas at Mindanao mula nang itayo ito noong 2010.
Usong-uso kasi ang food business kaya’t grab agad ang Kapamilya actor na pasukin ito. Bilang first brand ambassador ng JM Shawarma, ay gusto ni JM na maging maganda ang relasyon niya sa mga may-ari ng kompanya kaya’t pinagbubutihan niya ang pagpo-promote nito.
“Excited ako kasi sobrang sarap sa pakiramdam na mapagkatiwalaan na maging endorser ng isang brand gaya nito na dala pa ang pangalan ko,” sabi pa ni JM.
FILMMAKER DIREK REYNO OPOSA NAGKAROON NG LIBRENG ACTING WORKSHOP
GUSTONG i-share ni Direk Reyno Oposa ang natutunan niya sa kursong filmmaking sa Toronto Film School, RCC Institute of Technology Toronto sa mga baguhan na gustong makilala sa showbiz kaya binigyan ng pagkakataon ng kaibigan naming director para sa libreng acting workshop niya last Sunday sa University of the Philippines.
Marami ang attendees at sabay-sabay silang binigyan ng tip ni Direk Reyno sa tamang pag-arte. At ang maganda pa ay majority ng workshoppers ay isasama ni Direk, sa dalawang pelikula na “Selda” at “Komadrona” na siya ang director at prodyus ng baguhang film outfit.
Well, matagal nang supportive si Direk Reyno sa mga newcomer at sa katunayan, marami siyang kinuhang talent para sa indie movies niya na “Agulo: Hinagpis Ng Gabi” at short and advocacy films na “Takipsilim” at “9 Na Buwan.” Magtatagal pa sa Pinas si Direk at aside sa kaliwa’t kanang business meeting ay may mga TV and radio interviews siya.
MGA CELEBRITY CONTESTANT SA “BOOM” SA EAT BULAGA SUPER ENJOY SA SEGMENT
SUNOD-SUNOD na araw na naglaro ang mga Kapuso stars sa “BOOM” segment ng Eat Bulaga na patok na patok sa TV viewers. Sina Enchong Dee, Janine Gutierrez, at Jackielou Blanco na stars ng “Elise” ay winner ng P100 K. Nitong Lunes, ay ang ilan sa cast ng “Inagaw Na Bituin” na sina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, at Marvin Agustin naman ang naglaro at parehong na-boom ang tatlo pero may naiuwi pa ring premyo ang bawat isa.
Ang intense na mala-action movie na Boom is hosted by Mr. Boom Bossing Vic Sotto kasama sina Maine Mendoza, Ruby Rodriguez at Alden Richards. Napakadali lang ng mechanics ng nasabing game portion at madalas ay madali lang ang mga tanong kaya marami ang mga nananalo rito. Masaya at aliw na aliw ng mga celebrity na sumasali rito at pakiramdam nila ay winner na rin sila.
Comments are closed.