JO BERRY ‘DI PA RIN RAMDAM ANG PAGIGING ARTISTA

JO BERRY

SI JO BERRY, masayang kausap.  Nang bumisita kami sa set ng primetime family drama series nilangshowbiz eye “Onanay,” sinasagot niya lahat ng mga tanong sa kanya ng mga press.  Sa tanong kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon, mayroon daw.

“Kahit po naman noong hindi pa ako artista, nag-aaral pa ako, meron na rin pong suitors,” naka­ngiting sagot ni Jo. “Wala naman po akong problema kung ganito ako, kasi nga hindi naman ako nag-iisa sa family, ang daddy ko at kuya ko, little people din, my mom at dalawa ko pang kapatid, has normal height naman.  Hindi po naman ako nakatikim noon pa mang bata ako nang pambu-bully maliban sa kapag nakita ako, verbal lang, like sabi nila “ay maliit siya!”

“Pero ngayon po talaga priority ko ang work, dream ko kasing makabili ng isang van na sasakyan ko papunta sa taping, kaya in-iipon ko ang suweldo ko.  Sa ngayon po kasi,  sumasabay lamang ako sa service papunta sa taping.”

Hanggang next year pa raw mapanonood ang “Onanay,” may kasunod na bang offer sa kanya, wala pa raw. Kung sakali, sino ang gusto naman niyang makasama sa bagong project?

“Gusto ko po si Alden Richards kasi paborito ko siya, mahusay siya at kung magkakasama kami, gusto ko isang family drama rin, ‘yung magkapatid kami. Gusto ko rin po si Ken Chan, kasi crush ko siya noon pa sa “Destiny Rose,” ang husay-husay niyang ginampanan ang role niya.  Ngayon nga, kung may chance, nanonood din ako ng kanyang teleserye, ang “My Special Tatay.” Ang husay-husay niyang actor.

Pinagkakaguluhan ba siya saan man siya pumunta?

“Hanggang sa ngayon po ‘di pa talaga nagsi-sink sa isip ko na artista ako.  Minsan, lumabas ako ng GMA gate sa Timog, bigla akong pinigilan ng mga guard  doon. Sabi nila, “ma’am huwag po kayong lumabas baka kayo dumugin diyan.”  Nakalimutan ko, kasi maraming tao sa labas at gusto raw lamang naman nilang magpa-picture sa akin.

“Iyon pong nagpapa-picture sinasabi sa akin, na inspirasyon daw nila ako, na sa kabila ng size ko, matapang ako, tulad nang ipinakikita ko sa serye namin.  Nagpasalamat ako sa kanila dahil sinusubaybayan daw nila talaga ang “Onanay” gabi-gabi.”

ROCHELLE PANGILINAN AT ARTHUR SOLINAP NATUPAD ANG WISH NA BABY GIRL ANG ANAK

rochelle and arthur MASAYANG-masaya ang Pasko ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan dahil natupad ang prayers nila na baby girl ang first born nila. May mga napili na silang name ng baby pero pinagpi-pray pa raw nila kung tamang iyon ang ibigay nilang pa­ngalan. Naka-strict diet daw siya ngayon dahil med­yo mataas ang weight niya kaysa required weight para sa normal delivery. Kaya itinutuloy niya ang mga exercises na pinayagan ng doctor niya na gawin niya para madali ang normal delivery niya.

Best gift nila this Christmas ang kanilang baby.  Kaya sa bahay raw lamang sila, to celebrate with their family.  Hindi na raw sila aalis dahil nag-celebrate na sila ng Christmas kasama ang parents nila ni Arthur sa Tokyo, Japan early November.