JO BERRY MASAYA SA PAGSIPA NG RATING NG ‘ONANAY’

SINO pa nga ang napakasaya nang malamang niyang na-extend muli ang kanilang top-rating family showbiz eyedrama series na “Onanay” kundi ang title roler na si Onay, si Jo Berry.

“Masayang-masaya po ako nang malaman naming tumaas ang rating ng aming serye,” sabi ni Jo nang bumisita kami sa set nila sa Barangay Mariana Hall sa Quezon City.  “Alam ko pong nagugustuhan ng netizens ang itinatakbo ng story namin, lalo na ngayon nalaman nang anak ko talaga si Natalie, na siya si Rosemarie, ang pa­nganay kong anak.  Alam po ng mga manonood na ipinaglaban ko talaga ang anak ko, kahit na anong mga pahirap ang pinagdaanan ko sa kamay ni Helena (Cherie Gil), kami ng bunso kong anak na si Maila (Mikee Quintos).  Kaya, it’s my turn naman na pahirapan ko naman si Helena.  Naipakulong na namin siya at hinta­yin na lamang natin kung may magagawa pa ba siya sa akin.  Ang problema ko na lamang kung paano ko mapapaniwala si Natalie na anak ko siya talaga.”

Biniro namin si Jo na siguro ay masaya rin ang kanyang Christmas at New Year.

“Ay opo, masaya talaga ang Christmas at New Year ko, kami ng family ko. Ito po ang happiest, kasi nakapag-ambag na ako ng malaki-laki sa han-daan namin.  Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa GMA.  Ang pasasalamat ko rin na nakasama ang dalawang mahuhusay na artista, si Nanay Nora (Aunor) at si Tita Cherie (Gil).  Salamat din sa mga fans na kapag nakikita nila ako, ‘Onay’ ang tawag nila sa akin, hindi na Jo.

KATE VALDEZ ‘DI INAKALANG MAGTATAGAL SA SERYE

KATE VALDEZ-1MAY revelation namin si Kate Valdez tungkol sa pagiging mataray ng character niya as Natalie.  Madalas ang away nina Natalie/ Rosemarie at Mikee as Maila.  Ano ang naramdaman ni Kate na tuloy-tuloy pa rin ang story ni Natalie/Rosemarie?

“Hindi ko po in-expect na tatagal pa ang character ko kasi madalas akong ma-bash ng netizens dahil sa masama kong ugali laban sa nanay ko at sa sister ko.  Ang totoo po, nahihirapan ako sa character ko dahil hindi naman ako ganoon sa totoong buhay. Iniiyakan ko po ang eksenang ginawa ko pagkatapos. Kaya thankful po ako kay Nanay Gina (Alajar) at Miss Ann Villegas, ang acting coach namin. Off  camera po super ok kami ni Mikee, never kami nagkatampuhan kahit kung minsan, ay nagkakasakitan kami sa eksena.  That’s part of our work.”

At 18, wala pang boyfriend si Kate, bakit?

“Hindi ko po puwedeng pagsabayin ang lovelife at career.  Mas focus po ako sa career kaysa mag-boyfriend.”

Inamin naman ni Kate na inili-link siya kay Bruno Gabriel pero ang na-excite siya nang malaman niyang gusto siyang maka-work ng bagong Kapuso actor na si Manolo Pedrosa. Gusto rin daw niyang ma-meet at mabigyan ng chance na makatrabaho si Manolo.

Sa ngayon ang hinihintay pa rin sa “Onanay” paano matatanggap ni Natalie na si Onay ang tunay niyang ina at hindi si Helena na lola niya?

Napapanood ang “Onanay” gabi-gabi pagkatapos ng “Cain at Abel.”

Comments are closed.