CONGRATULATIONS kay Al Josef Benedict ‘Job’ Cariaga na nagsumite ng aplikasyon para sa 2018 PBA Draft na gaganapin sa December 16.
Ang mga magulang ni Cariaga ay taga-Iligan City, pero noong 13 years old si Job ay dinala na siya ng kanyang mga magulang sa Canada. Bata pa lang ay pinangarap na ni Cariaga na pumasok at maglaro sa PBA, gayundin ang kanyang mga magulang na sina Shawn at Marivic Cariaga. Nais din sundan ni Job ang mga yapak ng idol niyang si Alex Cabagnot ng San Miguel Beer na katulad niya ay isang shooting guard. Ngayon pa lamang ay ninenerbiyos na si Job sa darating na drafting
“I’m very nervous right now. Any team basta they draft me,” aniya.
Siyempre ay tuwang-tuwa naman ang agent ni Cariaga na si Jojo Flores ng Jams Artist Production na ngayon ay pinasok na rin ang mundo ng sports. Sa unang pagkakataon, si Cariaga ang unang basketball player na iha-handle nina Flores at Jams Top Model 2018 CEO/ President Maricar Moina. Ang Jams Artist Production din ang hahawak sa endorsemnet ni Calvin Abueva.
Good luck kay Job. Naniniwala kaming mapipili siya sa PBA Draft dahil good player siya at mabait na bata,” sabi ni Flores. Anyway, to Job Cariaga and Jojo Flores, good luck sa inyo.
Kahit pa nagkasundo na sina team owner Raymond Yu at player Raymund Almazan ay mukhang ayaw na talagang mag-stay ng huli sa kampo ng Elasto Painters. Ganoon ba katindi ang tampo ng player kay coach Caloy Garcia? Siyempre, kawawa rin si coach Caloy kasi parang siya ang nagiging dahilan kung bakit hindi dumadalo sa practice si Almazan. Tulad ng sabi ng player, gusto na niyang umalis sa ROS.
Samantala, pagkatapos ng dalawang buwang pamamahinga ni JunMar Fajardo ay balik-hardcourt na siya. Katunayan, noong Monday ay sumama na siya sa practice ng SMB. Posible ngayong darating na Sabado ay makapaglaro na ang player laban sa Rain or Shine. Timing naman ang paggaling ng injury ni JunMar dahil kailangan na kailangan siya ng Beermen sa pagkakataong ito. Labis ang katuwaan ni coach Leo Austria sa pagbabalik ni Fajardo sa team.
Magkaibigan lang daw talaga ang host comedian /actor na si Vice Ganda at si Phoenix player Calvin Abueva. Inaanak umano ni Vice ang eldest son ni Abueva. Saka mahilig lang ang host comedian na makipagkaibigan sa mga basketball player.
Comments are closed.