(Job creation at pagsuporta sa local business) OFFICE UNIFORM NA GAWA SA PHILIPPINE TROPICAL FABRIC INILUNSAD

Si Jonas Kee Quilantang, CEO ng Unisol

INILUNSAD ng Unisol (Uniform Solutions) ang Chameleon uniform line na nagtataglay ng innovative design na naaayon sa kanilang mga kliyente.

Sa ginawang launching sa Quezon City noong December 20, ipinakita sa media ang mga makabagong disenyo ng uniform na Chameleon at UGo  at pagamit ng Philippine Tropical Fabric bilang pagtugon sa itinadhana ng batas na Republic Act 9242 o An Act Prescribing the Use of the PTF for Uniforms of Public Officials and Employees and for Other Purposes.

Sa pagharap ng mga opisyal ng Unisol sa pangunguna ng kanilang Chief Executive Officer na si Jonas Kee Quilantang sa media, tiniyak nila na sumusunod sila batas gaya ng paggamit ng PTF taglay ang quality standard na nakatutugon sa tamang tela o fabric na dapat gamit na uniform gaya ng pinya fabric.

Sinabi ni Johnna Quilantang, head ng Sales Department ng Unisol, may magandang benepisyo sa bansa ang paglulunsad ng Chameleon uniform dahil makakatulong ito para lumago ang Philippine textile industry, makalikha ng hanapbuhay at masuportahan ang local business.

Samantala, tiniyak ni Mr. Quilantang na sakaling sila ang kuning supplier ay handa nilang i-deliver ito on time.

Garantisado rin aniya na mataas na quality ng kanilang produkto.

Ang Unisol ay mula sa Lapu-Lapu City sa Cebu at ang kanilang supplier ng fabric ay sa Laguna.

EUNICE CELARIO