MAYROONG 2,500 na bakanteng trabaho ang naghihintay sa mga Manileñong na naghahanap ng trabaho.
Alok ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magsisimula sa Setyembre 25.
Nabatid na ang oportunidad na trabaho ay iaalok sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang isa sa highlight ng weekly regular interaction forum na ginagawa ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa mga barangay.
Sinabi ni Lacuna na ang nasabing job fair ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates na magbubukas ng alas-8 ng umaga hanggang alas- 12 ng tanghali sa panulukan ng P. Paredes at Delos Reyes Streets, Sampaloc, Manila.
Napag-alaman kay Public Employment Service Office – City of Manila chief Fernan Bermejo na ang nabanggit na job fair ay gagawin sa pakikipagtulungan Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.
Pinapayuhan ang lahat ng mga interesadong aplikante magsuot ng casual attire pag nagtungo sa job fair, magdala 10 kopya ng resume, sariling ballpen at sumunod sa umiiral na public health protocols.
Nagpahayag din ang lady mayor sa lahat ng applicants ng best of luck, at sinabing maraming beses na ang mga applicants ay agad na hired on the spot (HOTS) at masayang umuwi dahil may hanapbuhay na sila.
VERLIN RUIZ