PINASALAMATAN ng pamahalaang Lungsod ng Maynila si Presidente Ferdinand Marcos, Jr. sa pag-aanunsyo ng inclusion ng lahat ng job order (JO) at contract of service (CoS) personnel sa gratuity pay ngayong taon.
Sa kanyang maikling mensahe sa regular flag raising ceremony na ginawa sa Manila City Hall nitong Lunes ng umaga ay pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna si Pangulong Marcos sa pag -alala sa mga contractual workers.
Maging ang mga city officials at mga kawani ay umani ng pasasalamat sa panibagong taon ng dedikasyon, katapatan at tunay na serbisyo sa lungsod ng Maynila at sa mga residente nito.
“Maraming maraming salamat sa isa naman pong taon ng inyong tapat at totoong paglilingkod,” saad ng alkalde.
“Ang Pasko ay para sa lahat kaya ako’y natutuwa nang ianunsiyo ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kasama na rin ang ating mga job order at contractual services sa makakatanggap ng gratuity pay ngayong taon. Masaya po ako para sa inyo.”
Inaprubahan ng Pangulo ang pagtaas ng gratuity pay para sa contractual at JO workers sa pamahalaan, kaya P7,000 na ito ngayon. Ang pagtaas ng gratuity pay ay epektibo ng hindi mas maaga sa December 15, 2024.
Base sa Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ng Pangulo na ang mga JOs CoS employees na nakapagtrabaho ng kabuuan o nakaipon ng at least four months of actual satisfactory service performance hanggang December 15,2024 ay entitled sa gratuity pay na mula P5,000 hanggang P7,000.
“Granting a year end gratuity pay to CoS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,” pahayag pa ng Pangulo.
VERLIN RUIZ