PUMALO sa 27.3 milyon ang walang trabaho sa bansa noong Hulyo, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Katumbas ito ng 45.5 porsiyento ng adult joblessness rate na pinakamataas sa bansa sa loob ng halos tatlong dekada.
Lubha itong mataas kumpara sa 7.9 milyon lamang na naitala noong Disyembre 2019. Nangangahulugan ito na mahigit 19 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho sa nakalipas na pitong buwan kasabay ng pananalasa ng COVID-19.
Batay sa survey, 21 porsiyento sa mga jobless ay nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 habang 21 porsiyento rin ang naging tambay bago pumutok ang pandemya.
Sa depinisyon ng SWS, itinuturing na jobless adult ang mga Pinoy na may edad 18 pataas na nag-resign sa trabaho, first-time job seekers at mga natanggal sa trabaho dahil sa ekonomiya.
Kinontra naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang resulta ng SWS survey.
Ayon kay Sec. Silvestre Bello III, batay sa record ng ahensiya ay nasa 3.3 milyon lamang ang bilang ng mga nawalan ng trabaho.
“Iyan ay ‘di actual joblessness. Ano pa lang ‘yan survey. Kami ang aming record ay ang mga nag-report sa aming employers na either nagsara, o nagsara temporarily, o kaya ay nagbawas ng trabaho o manggagawa,” ani Bello.
667580 154059very nice post, i truly adore this internet internet site, keep on it 237703
506068 797117Aw, this was a actually nice post. In thought I would like to location in writing in this way moreover – taking time and actual effort to create a extremely excellent article but what / things I say I procrastinate alot and also no indicates apparently get something done. 918263
443332 798743Howdy! I just wish to give a huge thumbs up for the fantastic info you might have here on this post. I will probably be coming back to your weblog for much more soon. 91585