UMABOT sa 2.27 million ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito sa 2.33 million na naitalanoong Hunyo.
Katumbas ito ng national unemployment rate na 4.8%.
Gayunman, sa isang briefing ay sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na bumaba ang labor force participation rate sa 60.1% mula 65.2% noong nakaraang taon, na katumbas ng 46.9 million Filipinos na may trabaho o naghahanap ng trabaho, na bumaba ng 3 million mula noong nakaraang taon.
Tumaas naman ang employment rate sa 95.2% mula 94.8% noong July 2022.
Samantala, ang underemployed persons, o yaong mga may trabaho ngunit nais magkaroon ng karagdagang working hours o kita, ay umabot sa 7.10 million para sa naturang buwan.
Ayon kay Mapa, ang pagbaba sa labor force participation ng mga Pilipino ay maaaring dahil sa paglipat sa household duties.
“Puwedeng nag-aalaga ng pamilya, household chores,” aniya. Sinabi pa ni Mapa na maaaring may kaugnayan ang mga nagdaang bagyo sa labor force participation, lalo na sa agriculture sector na nagtala ng pagbaba na 1.58 million year-on-year.
Bukod sa agriculture at forestry, ang major industries na nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa employed persons ay ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; public administration and defense; compulsory social security; arts, entertainment and recreation; at real estate activities.
Samantala, ang mga sektor na may pinakamalaking pagtaas sa employment ay ang transportation and storage; administrative and support service activities; professional, scientific and technical activities; information and communication; at manufacturing.