UMABOT sa 2.42 million ang walang kayod na Pinoy noong Marso, bumaba mula sa 2.47 million noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng national unemployment rate na 4.7%.
Sa isang briefing, iginiit ni National Statistician Dennis Mapa na bumubuti ang un- employment situation sa bansa magmula noong second half ng 2022 sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions.
Samantala, bumaba ang bilang ng mga nasa labor force sa 51 million mula 51.27 million sa naunang buwan.
Ayon kay Mapa, katumbas ito ng labor force participation rate na 66%.
Ang employment rate ng bansa ay nasa 95.3%, o 48.58 milyong Pinoy ang may trabaho. Samantala, bumaba
ang bilang ng underemployed Filipinos sa 5.44 million mula 6.29 million noong Pebrero.
“Ang increases sa employment between March 2022 and March 2023—1.61 million increases—ang substantial dito ay wages and salaried workers, unpaid family workers,” ani Mapa.
Tinukoy ang datos mula sa PSA, sinabi ni Mapa na ang year-onyear increase sa employment ay pinalakas ng services at industry sectors. Nangunguna sa listahan ang transportation at storage na may 533,000 karagdagang trabaho.
Gayunman, ang agriculture at forestry ay nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa employment, kung saan 607,000 trabaho ang nawala.