JOBLESS NA PINOY NABAWASAN (3.16M noong Nobyembre)

BUMABA ang bilang ng mga walang trabaho noong Nobyembre 2021 sa git- na ng pinaluwag na quarantine restrictions na naturang panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang unemployment rate noong nakaraang Nobyembre ay bumaba sa  6.5 percent mula sa 7.4 percent sa naunang buwan.

Katumbas ito ng 3.16 million jobless Filipinos, na mas mababa sa 3.5 million noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang November unemployment rate ang pinakamababa magmula noong unang buwan ng 2021, kasunod ang 6.9% rate ng July 2021 at 7.1% ng  March 2021.

Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, ang  unemployment rate noong Nobyembre ang pinakamababa magmula nang pumutok ang pandemya.

Samantala, iniulat ng PSA na pumalo sa 16.7% ang underemployment noong Nobyembre, na katumbas ng 7.62 million Filipinos, ang pinakamataas na underemployment rate na naitala sa mga sinundang buwan.

“The number of employed person for the month reached 45.48 million, which brought the employment rate to 93.5 percent. The total is also higher than the 92.6 percent in October,” sabi ni Mapa.

Ang fishing at aquaculture industry ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong trabaho sa nasabing buwan, kasunod ang iba pang  service activities tulad ng computer repairs at  wellness services — na kinabibilangan ng spas at hairdressing.

Gayunman, ang human health at social work activities ang nakapagposte ng pinakamalaking pagbaba sa employment, na ayon kay Mapa ay dahil sa pagbawas ng trabaho sa dental activities.