JOBLESS NA PINOY NADAGDAGAN(2.93M noong Mayo)

jobless

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate noong Mayo ay 6%, tumaas mula sa pandemic low na 5.7% noong Abril.

Sa aktuwal na bilang, ang unemployed adults na may edad 15 at pataas noong Mayo ay mas mataas kumpara sa 2.76 million na naitala noong Abril.

Subalit kumpara noong Mayo 2021, ang bilang ng mga walang trabaho ay bumaba ng 810,000 mula sa 3.74 million.

“Employment rate was estimated at 94 percent in May 2022 or 94 in every 100 persons in the labor force had a job or business in May 2022. This was higher than the 92.3 percent employment rate reported a year ago but lower than the employment rate of 94.3 percent in April 2022,” ayon sa PSA.

Ang top five sub-sectors na bumaba ang employment rate noong Mayo kumpara noong Abril ay ang agriculture and forestry (-733,000); public administration and defense; compulsory social security (-159,000); arts, entertainment and recreation (-109,000); education (-95,000); at professional, scientific, and technical activities (-51,000).

Samantala, ang underemployment rate noong Mayo ay nasa 14.5 percent, mas mataas kumpara sa 14 percent na naitala noong Abril, at sa tinatayang 12.3 percent underemployment rate noong May 2021.

“Underemployed persons are those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have an additional job or to have a new job with longer hours of work,” ayon pa sa PSA.