ROME – ARAW-ARAW na nadaragdagan ang bilang ng nawawalan ng trabaho sa Italy.
Bunsod ng corononavirus disease (COVID-19), tumaas ang antas ng diskriminasyon laban sa mga Filipino.
Ang mga dating may trabaho ay natanggal habang ang iba ay napilitang magbitiw sa pinapasukan dahil sa diskriminasyon.
Dahil dito nagpapasaklolo na ang mga overseas Filipino worker sa pamahalaan upang bigyan sila ng proteksiyon.
Kamakailan ay may Filipino na sinaktan makaraang mapagkamalang Chinese.
Nag-ugat ang diskriminasyon dahil sa isyu ng COVID-19 na kumitil ng libo sa buong mundo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM