INALOK ng opisyal ng pharmaceutical and biotechnology company Moderna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtatayo sila ng vaccine making facility sa Pilipinas.
Nakaharap ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng nasabing kompanya na sina Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President and General Manager Patrick Bergstedt.
Sinabi ng dalawang Moderna officials na itatatag nila ang “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” na ang magandang resula ay dagdag trabaho at oportunidad sa health professionals sa bansa.
Sinabi ni Garay na ang Shared Service Facility for Pharmacovigilance sa Pilipinas ay magsisilbi sa buong Asia Pacific Region.
Ang interes ng Moderna ay nag-ugat sa matagumpay na public-private partnership sa pagitan ng Philippine government at ng kanilang kompanya kaya nais nilang ang expansion.
“We are really excited to have selected the Philippines for the third one primarily because you know the capabilities exist. We have the talent that exists, and we know that the partnership will be one that can be beneficial for both Moderna and the Philippines,” ani Garay.
Ang Moderna ay kabilang sa pharmaceutical companies na unang nag-produce ng COVID-19 vaccines, na ibinahagi sa Pilipinas sa kasagsagan ng pandemya.EVELYN QUIROZ