SINAMPAHAN na ng Lord of Scents na si Joel Cruz ng P20-M libel case ang Brunei-based na negosyanteng si Kathelyn “Kathy” Dupaya bukod sa P40-M utang kamakailan sa tanggapan ni Maria Cielo Rubi O. Galicia, Senior Assistant City Prosecutor sa Manila City Hall.
Ito ay kaugnay sa paninira nito na aniya’y expired ang Aficionado perfume na idiniliber sa kanya.
Kasama nito ang kanyang abogado na sina Atty. Ferdie Topacio, Atty. Jasmin Sy, Lambert Lopez at Roy Redondo.
Paglilinaw ni Joel, “sinabi niya na nakatanggap daw siya ng expired na perfumes, sinungaling siya! May records kami ng mga na-receive niyang products nu’ng August 2016 at mag-i-expire ‘yun ng good pa for 1 year and two months so ang expiration nun ay by October 2017 pa.”
Nilinaw din nito na P592,000 lamang ang binayaran sa kanya ni Dupaya at ‘di totoong P2 million pesos. ‘Di lang si Joel ang nagsampa ng libel kundi pati ang gumagawa ng kanyang sabon na Central Affirmative Company Inc.
Giit ni Joel, tumbukin ni Kathy kung ano talaga ang problema nila at ‘yun ay ang utang na P40 million pesos kung saan pinangakuan siyang babayaran monthly at tutubo pa ng 6% pero ang nangyari ay pinaasa at pinaghintay lang ang kanyang staff at abogadong si Atty. Jasmin Sy sa bangko.
“Actually, sabi niya may makukuha raw siyang pera sa bangko. Pinapunta pa nga niya sina Lambert at Atty. Jasmin sa bangko at inutusan pa na magpanggap na contractor para ma-aprub ang kanyang loan.”
Pero ayon kay Lambert Lopez, “napag-alaman namin na-disapprove siya sa P30-M at P10-M lang ang okey pero malabo pa rin kasi kulang sa documents.”
Matatandaang nauna ng nagsampa ng kasong swindling si Joel nu’ng Mayo 24 sa prosecutor’s office sa Quezon City Hall kung saan bukod sa kanya, nagsalita na rin ang iba pang nabiktima na sina Sunshine Cruz, Ynez Veneracion, Emma Gonzales Yan, Susan Ortega at iba pang celebrities na nag-invest din.
Samantala, nag-courtesy call si Atty. Topacio kay Mayor Erap Estrada kasama si Joel noong araw ding ‘yun at dito ikinuwento ng negosyante ang panlolokong ginawa sa kanya.
Tanong ni Erap, ba’t ka nagpaloko? Hanggang sa dumako ang usapan sa pagsanib-puwersa ng dalawa sa pagkakawanggawa kung saan puwedeng mag-sponsor ang Aficionado. Promise ni Joel, susuportahan niya ang mga charitable project ni Mayor Erap like MRI, dialysis na libre sa mga mahihirap. Aliw din ang reaksiyon ni Mayor Erap sa paghalik sa chiks ni President Duterte. “Nagkokomedi lang ang tao e, no malice at all”.
Comments are closed.