(Jograd dela Torre’s FAMES) TODO SUPORTA KAY FREDDIE AGUILAR

IN full gear na talaga ang bagong samahan ng Filipino Artist Musician & Entertainers Society (FAMES) montagefounded by award-winning composer na si Lito Camo with friends. Si Lito was the in-house musical director in the past shows of  Willie Revillame’s Wowowin at pati na sa mga TV show ni  Manny Pacquiao sa GMA 7.

Isa sa mga layunin ng FAMES ayon sa Presidente nitong si Jograd Dela Torre at sa campaign strategist na si Teng Ares kasama si  Ana Lou Chua-Olivar  (presidente ng OWOEP Talent Agency) ay upang maisakatuparan ang kanilang musical caravan na tutulong sa pangangampanya  at nang maihatid sa madlang pipol ang plataporma ni Freddie Aguilar sa pamamagitan ng mga awiting Pinoy.

Ito ay labis na ikinatuwa ng senatoriable na si Freddie Aguilar na siya ring Presidential Adviser on Culture and the Arts ni Presidente Rodrigo R. Duterte. Lubos siyang nagpapasalamat sa samahang FAMES dahil sa kanilang kusa at pagmamalasakit na hindi umaasa ng kung ano mang katiting na kapalit.

FAMAS BEST CHILD ACTOR ISA NANG SUCCESSFUL RESTO-BAR PROPRIETOR

restobarISA sa mga mi­yembro ng FAMES ay si Erra Espiritu na da­ting FAMAS best child award-winning actor sa pelikulang “Cordero” na pinagbidahan ni Eddie Garcia at idinirehe ng yumaong si  Willy Milan.

Naging LGBT si  Erra, at  naging Class A “okama” impersonator sa Japan and subsequently naging in-house singer sa The Library, comedy bar na pag-aari ni Mamu Andrew De Real sa Malate.

Sa ngayon ay may  sarili nang much sought-after watering-hole si Erra named after him na mina-manage mismo ng kanyang madir na si Vicky Espiritu sa tulong ng kanyang isa pang gifted singer na bunsong anak na si Kristian  who is the president of the National Britney Spear Fans Club.

Dati ring executive producer si Vicky ng mga film project nina Direk Willy Milan at Toto Natividad. Sa ngayon ang Erra Resto Bar ay favorite drinking and eating place din ng mga expat at curious tourists around the vortex of the Malate restobars and entertainment hub.

Si Vicky  Espiritu ay ever-supportive ng mga activity ng Philippine Movie Press Club (PMPC) tulad ng taunang Caroling Project para sa aming   fundraising charity projects for our marginalized beneficiaries. Isa sa mga loyal friends ng  PMPC ang pamilya ni Vicky, saan ka pa?

Comments are closed.