JOHN ARCILLA GUSTONG GUMANAP NG DEL PILAR O LUNA

AMINADO ang magaling at award-winning actor na si John Arcilla na nagbago ang buhay at career niyathe point dahil sa “He­neral Luna”.

Hindi lang kasi na-elevate siya sa leading status kundi naging box office star sa nasabing obra ni Jerrold Tarog.

Ang “Heneral Luna” pa rin ang may hawak na record bilang highest grossing Pinoy historical film of all time.

“That’s very true. Nagbago naman talaga. Kahit papaano iyong confidence ko naragdagan kasi before, kahit alam kong gumagawa ako ng quality films may question pa rin ako sa sarili ko if I’m on the right track or what,” aniya.

Ayon pa sa kanya, ang pelikula ang magsisilbing pamana niya sa mga Pinoy.

“Kumbaga, ito iyong pagbabasehan ko sa mga susunod na projects not necessarily na malampasan siya. Sabi nga sa akin ni Uge (Domingo), ‘John Arcilla, congrats dahil puwede ka nang mamatay!’ Kasi, ito kasi iyong pelikulang puwedeng panoorin ng lahat ng henerasyon at first version pa lang siya ng He­neral Luna at hindi remake. It’s really a legacy film at ang sarap ng pakiramdam,” pahayag niya.

Dahil sa pelikula, muli ring nabuhay ang career niya kahit napansin na ang kanyang ga­ling noon sa Mulanay” at “Ligaya ang Itawag Mo sa Akin” noong late ‘90s.

“Totoo namang sa talent fee, nag-iba kesa dati. Totoong iyong confidence ng mga producer to get me as one of the major charac-ters sa film,na-boost. Totoong tumaas ang confidence nila. Somehow, napapansin na rin ako sa mga TV shows dahil may name na nga si John Arcilla, si Heneral,” sey niya.

Ayon pa kay John, gusto rin niyang gampanan ang roles ng iba pang mga bayani sa bansa.

“Gusto ko ring lumabas na Marcelo del Pilar, mas poetic siya. Gusto ko rin ng Juan Luna, iyong kapatid ni Antonio na kilala sa kanyang Spoliarium,” hirit niya.

Dagdag pa niya, hindi raw siya naging mapili sa kanyang roles kahit kailan, kahit pa isang box office hit ang “Heneral Luna”.

“Hindi naman ako nao-offer-an ng hindi ko gusto. Hindi pa naman ako tumatanggi sa trabaho. Nakikita kasi nila iyong tipo na bagay sa akin. Prinsipyo ko kasi as an actor na pagbutihin ang trabaho ko in whatever role I have to take. Challenge rin siya sa akin, kaya hindi ako nagiging picky,” sey niya.

Si John ay isa sa mga kontrabida ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

AWARD-WINNING DIRECTOR CARLO CUEVAS, PRIORITY ANG EBC FILMS

CARLO CUEVASGUSTO ring gumawa ng mainstream at iba pang indie films ang award-winning director ng “Hapi ang Buhay: The Musical” na si Carlo Cuevas.

Gayunpaman, priority daw niya ang EBC Films na nagbigay sa kanya ng break bilang isang filmmaker.

Si Cuevas ay nakilala sa indie movie na “Walang Take Two” na  nanalo ng maraming award sa mga prestihiyosong international filmfests.

Itinanghal din siyang “World Newcomer Filmmaker of the Year” at na­bigyan ng Platinum World Award para sa naturang pe-likula.

Wagi rin siyang “Best Director of a Foreign Language Film” sa 2016 International Filmmaker Festival of  World Cinema in London.

Itinanghal ding best film ang full-length feature na ito sa 2016 Madrid International Film Festival at nagkamit ng Golden Award for International Film sa 2016 World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Siya rin ang director ng Guerrero na iprinodyus din ng EBC Films at nagpanalo sa child actor na si  Julio Cesar Sabenorio ng best child performer award noong nakaraang 34th Star Awards for Movies.

Bago pa man naging director, nagtrabaho din si Direk Carlo sa ABS-CBN sa mga programang Krusada, Pinoy True Stories, May Puhunan at Mission Possible.

Comments are closed.